Chapter one hundred forty seven CLARK’S POV’S Hinuhuli ko lang si mama kung siya ba ang may kagagawan sa nangyari kay Steve at mukhang hindi ako nagkamali sa hinala ko. Si Madison ang pakay ng apat na lalaki pero hinarangan ni Steve ang mga ito kaya siya nabugbog ng husto. Wala namang ibang kaaway si Madison at wala namang ibang may galit sa kanya kung hindi si mama lang. Hindi ako nagkamali sa duda ko, may kinalaman talaga siya dito kaso si Steve ang napuruhan ng husto, mabuti na lang at hindi nila nakuha si Madison, alam ko namang itatanggi yun ni mama kapag tinanong ko siya tungkol doon. Binalaan ko si Madi na umalis agad sa ospital dahil papunta na doon si mama, pero nagtaka ako dahil wala pang isang oras ay bumalik na si mama sa bahay. Ang sabi niya sa akin ay masakit ang kanya