Chapter one hundred five STEVE’S POV’S Naghahanap ako ngayon ng mabibiling bahay at lupa, doon na ako lilipat. Ayaw ko na umuwi kay Christine. Baka mabaliw pa siya kapag nakita niya ako tapos ipipilit ko yung annulment, mas mabuti na rin ito na maghanap ako ng sariling bahay. Malaki na kase savings ko at kaya ko na bumili ng bahay at lupa, magnenegosyo na lang ako kapag nakalipat na ako. Ang mamahal ng mga bahay sa village, mauubos ipon ko nito hays! Kapag pinatagal ko pa ang pagpapanggap ko na mahal ko si Christine malamang mawawala na sa akin ng tuluyan si Madison. Kaso kapag sinagad ko sa bahay at lupa itong naipon ko mauubos lahat. Baka makulangan ako ng pera sa pagpapatayo ng negosyo. Kasalanan ng gagong Clark ito, makakaipon pa sana ako ng malaki kung hindi ko lang nalaman na