Chapter sixty nine STEVE’S POV’S Hindi ko na nahabol si Madison ng bigla niyang higitin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi siya pwedeng mahiwalay sa akin. Sa akin lang siya. Ginagawa ko lahat ng ito para sa pamilya ko at para sa kanya kaya hindi ko siya igigive up ng ganun ganun lang. Bakit ba sinasabi nila na nagbago ako? Hindi ko alam kung saan banda ako nagbago, sila naman ang iniisip ko palagi ah. Dati si mama lang ang nagsasabi niyan pero ngayon pati ba naman si Madison? Sila itong hindi umiintindi sa akin tapos sasabihin nila na nagbago ako? Tsk. Sila itong nagbago ang trato sa akin dahil hindi nila ako naiintindihan! Naiinis ako ngayon, hindi ko na sinundan si Madison dahil lumayo na siya, malamang hindi niya ako pagbubuksan ng pinto k