Chapter fifty seven MADISON’S POV’S Pauwi na ako sa bahay, bumili kase ako ng tinapay para habang nag aadvance study ako ay may kinakain ako. Nagugutom kase ako palagi tuwing gabi. Naalala ko yung pinapagawang assignment sa amin ni Clark, kailan kaya namin uumpisahan yun? Wala kase siyang sinabi kung kailan. “ Ay multo!” nagulat ako dahil bigla kong nakita si Clark na nakatayo sa gilid ng poste. “ Bakit ka nandito?” “ Hinuhulaan bahay mo.” “ Ha? Anong meron?” “ Gagawa tayo ng assignment.” “ As in ngayon na?” “ Yeah.” Kakasabi ko palang kanina ang tungkol doon tapos bigla naman siyang nagpakita sa akin, hindi ko inaasahan to. “ Kanina ka pa dito?” “ Oo.” “ Edi sana tinext mo ko.” “ Number?” inabot niya sa akin yung phone niya, hindi nga pala niya alam number ko. Binigay ko na