Chapter one hundred CHRISTINE’S POV’S Nagtitimpi lang ako kay Steve, hindi ko alam na may ganyan pala siyang side, kaya niya akong sigawan kahit na wala naman akong ginagawa sa kanyang masama? Nagselos lang naman ako tapos ganyan na siya umasta? Mabuti na lang mababait mga tao dito sa kompanya kaya hindi ako nastress, kaso nga lang pagdating ng hapon tumawag sa akin yung isa sa mga kasambahay namin. “ Yes manang?” ( Madam umuwi na kayo!) “ Ha? Bakit?” nagtaka ako kase natataranta yung boses ni manang parang may nangyaring masama sa bahay, nasunugan ba kami? ( Maam sina sir Clark at sir Steve nagsusuntukan) “ What? Teka teka, nasaan sila?” ( Nandito po sa loob ng bahay maam, umuwi na po kayo hindi namin alam kung anong gagawin, hindi sila magpaawat) “ Okay, okay I’ll be there.”