Chapter fifty five MADISON’S POV’S Nagbabasa ako ng mga notes ko ng may kumatok ng malakas sa pinto ng bahay, akala mo nagmamadali. “ Sino yan?” “ Ako to.” Si Steve pala, boses palang kilalang kilala ko na siya, tumayo ako at pinagbuksan ko agad siya ng pinto, alas nuebe na ng gabi kaya nagulat ako ng pumunta siya dito. “ Bakit ka—“ hinalikan niya ako agad kaso umiwas ako. “ Steve pagod ako.” “ Please Madi.” Hinila ako ni Steve papunta sa sofa sabay saran g pinto ng bahay, tumayo agad ako ng paupuin niya ako. “ Steve pagod ako, ang dami kong ginawa kanina.” “ Ang dami? Weekend naman ah, wala ka namang pasok diba?” “ Namasyal kami ng mga friends ko kanina kaya napagod ako.” “ Ngayon lang tayo nagkaoras pagdadamutan mo pa ako?” “ Steve, sinabi ko naman sayo na pagod ako ngayon, m