Chapter thirty CHRISTINE’S POV’S Kinakausap ako ni Sharon ngayon tungkol kay Steve, hindi naman ako makahindi sa sinasabi niya dahil may point naman siya. “ Tin, dito mo talaga malalaman kung pera lang ang habol sayo ng batang yun, kakasabi mo lang na napakarami nilang bayarin at binigyan mo siya ng pera, malamang susunod nun hindi na siya magpapakita sayo.” “ Hindi ganun si Steve, at isa pa ako naman ang nagoffer sa kanya ng pera, hindi naman siya humingi sa akin.” “ Mahal mo kase siya kaya bulag ka ngayon, nagpapaawa yun sayo dahil alam niyang soft hearted ka at ginagamit niya yung pagmamahal mo sa kanya para mauto ka niya.” “ Sharon, enough, hindi mo alam sinasabi mo.” “ Tin nagsasabi ako ng totoo.” “ Bakit kilala mo ba si Steve?” “ Hindi.” “ Yun naman pala, bakit mo siya hin