Chapter one hundred twenty four CHRISTINE’S POV’S Umalis nanaman ang asawa ko ng napakaaga, inuunti unti nanaman ata niya akong iwan. “ Manang saan pumunta si Steve?” “ Hindi po namin alam maam.” “ Dapat inaalam niyo! Anong silbi niyo dito kung hindi niyo magawa ang gusto ko? Hindi ba sinabi ko sa inyo na palagi niyong babantayan si Steve tuwing aalis at tatanungin kung saan pupunta?” “ Sorry po maam.” “ Ma, ang aga aga sumisigaw ka.” “ Pumasok ka na, huwag mo kong pakealaman.” Naiirita ako, palagi na lang niya akong sinisita sa mga ginagawa ko. Asawa ko si Steve kaya Karapatan kong magalit. Umalis na rin si Clark papunta school, nagtaka ako dahil hindi siya sumakay sa sasakyan niya, magcocommute ba siya? Hays. “ Maam ano pong gusto niyong kainin?” “ Yung mga dati niyong nilu