Chapter one hundred nine CLARK’S POV’S Natuwa ako ng makita ko sa malapit yung taong hinahanap ko. Dito ko lang pala siya mahahanap sa may labas ng convenient store, kung hindi pa ako bumili ng kailangan namin ni Madison sa pagluluto hindi ko pa siya nakita. Nagkasagutan kaming dalawa ng pag usapan namin ang tungkol kay mama, nainis ako dahil wala siyang pakealam kay mama kahit na sabihin kong buntis na siya. Mas inaalala niya si Madison kahit matagal na silang naghiwalay at ayaw na sa kanya ni Madi, gago ba to o siraulo? May asawa siya at magkakanak na tapos ganyan ang gagawin niya? Tang ina lang Steve! Pinipilit ko siya na umuwi para kay mama at sa magiging baby niya, ayaw pa niyang maniwala na buntis si mama, ang akala niya ay gawa gawa lang namin yun para umuwi siya sa bahay. N