Chapter one hundred thirty four CHRISTINE’S POV’S Mabuti na lang wala sila Steve at Clark ngayon, nasa campus sila kaya Malaya akong lumabas ng bahay. Ipapaubaya ko muna sa private investigator ko ang pagmanman sa kanya, gusto kong makalma dahil kagabi pa ako hindi makatulog kakaisip kung sino ang babaeng yun. Inaya ko ang isa kong kaibigan, hindi si Sharon dahil magsusumbong yun kay Clark. “ Himala Tin, nag aaya kang uminom.” “ Para mawala stress ko.” “ Nasstress ka rin pala, ang yaman yaman mo na at ang ganda ganda mo pa, halos nasa sayo na lahat pero nasstress ka pa rin?” Ang mga tao talaga, madali kang husgahan base sa panlabas mo, pero hindi nila alam na mas maswerte sila kesa sa akin. Kung pwede ko lang ipalit ang posisyon ko sa kanila ay matagal ko ng ginawa, napakasakit ng