Chapter forty two STEVE’S POV’S Hindi ko mapigilan ang saya ko ng gamitin ko pauwi itong sasakyan na bigay ni Christine, ang naisip ko agad ay si Madison para masundo ko siya at maisakay dito. Ang daming tanong ni Madison sa akin kaso nagawa ko nanamang magsinungaling sa kanya, ang akala niya umalis na ako sa kompanya ni Tin pero lumipat lang ako ng ibang branch. Kay Christine parin yung kompanya na pinagtatrabahuan ko. Ayokong igive up yung opportunity na ito, ngayon lang ako makakahawak ng posisyon bilang supervisor at magkakotse ng ganito kaganda. Ito yung mga pinangarap ko noon pa kaya hindi ko matanggihan, plus, may atm card pa ako na ang laki laki ng amount na nakalagay. Hindi ko makukuha ang mga ito maski sa panaginip ko kaya hindi ko ito matanggihan, pangarap namin ito ng pa