Chapter fifty three MADISON’S POV’S Nagkwentuhan kami ni Clark tungkol sa mama niya, hindi ko na nga namalayan ang oras kakakwento naming dalawa. “ Hindi ka pa ba uuwi?” “ Hindi pa.” “ Uuwi na ako.” Wala ng gaanong tao dito sa plaza at kailangan ko pa magadvance lesson. Napasarap yung kwentuhan namin ni Clark. Tumayo na ako at naglakad kaso naramdaman kong may sumusunod sa akin. “ Bakit ka sumasama?” tanong ko. “ Ihahatid ka.” “ Hindi na kailangan ang lapit lang ng bahay namin dito.” “ Just walk.” “ Sabing hindi na kailangan.” “ Tama na daldal, maglakad ka na lang.” Inutusan pa ako. Hindi kami nag iimikan habang sabay kaming naglalakad, bakit ba kase niya ako ihahatid. Mas lalo akong naiilang. Naubos na yung kwento ko kanina kaya hindi ako makapagsalita ngayon. Kailangan ko m