Chapter nineteen MADISON’S POV’S Papasok na ako sa University ng makasalubong ko si Rowan, inakbayan pa talaga ako habang naglalakad ang lakas ng loob eh ang daming nakakakita sa amin. “ Ano ba! alisin mo nga yang kamay mo.” “ Tropa naman tayo ah, anong masama?” “ Tropa your face, mapagkamalan pa nila tayong magjowa.” “ Hahaha hindi yun mangyayari, hindi kita type at alam mo namang isang babae lang ang nilalaman ng puso at isip ko.” “ Kawawa naman yung babaeng yun.” “ Ito naman, hindi ka supportive sa akin? Hoy Madi!” Hinabol niya ako hanggang sa may tapat ng building namin. “ Sabay tayo maglunch?” “ Kasabay ko boyfriend ko mamaya.” “ Akala ko ba niloloko ka lag niya?’ “ Sinong may sabi sayo?” “ Ikaw, hindi ba ikaw yung nagtatanong kung bakit nagloloko ang mga lalake? Hahaha.”