Chapter one hundred thirty two CLARK’S POV’S Mag isa kong naglakad papuntang library at nasalubong ko si Fame na tumatakbo palapit sa akin. “ Wait lang hihinga muna ako.” Sabi niya sa akin ng makalapit siya. “ What’s wrong? May humahabol ba sayo?” “ Wala, gusto lang kitang makausap.” “ Tungkol saan?” Hinila niya ako sa may lilim, parang napakaimportante naman ata ng sasabihin niya. “ Mabuti na lang nakita kita agad, kung hindi baka nalibot ko nanaman itong buong campus.” “ Bakit ba?” “ Ikaw dapat kong tanungin niyan eh, bakit mo sinabi kay Madison yung sinasabi mong sikreto lang dapat ha?” “ Huh? Anong sinabi ko kay Madi? Hindi naman kami nag uusap.” Nagtaka siya sa sinabi ko. “ Hindi kayo nag uusap?” “ We broke up right?” “ Seryoso ka? Wala kang sinasabi sa kanya tungkol sa n