Chapter 3

896 Words
                         Halos manginig na si Marj sa kinatatayuan niya. Pwero ang lokong lalaki ay patuloy lang siyang pinagtatawanan. Naramdaman niyang lumayo ito at parang may kinuha at sinuot.                         " Baka nagshort na ang tukmol." nasasaisip ni Marj. " Sana nga!" Piping dalangin niya.                       " Hahaha! Pwede ka ng humarap" utos nito sa kanya.                       Dahan dahang humarap si Marj pero nakapikit naman ang mata. Natatakot sya at baka kung ano na naman ang makita niya.                        " Open your eyes! Tsk! Stupid! Pahaharapin ba kita kung nakahubad pa ko! Hahalikan kita pag di ka dumilat, oh baka gusto mo lang ulit makita? Masyado ka ng sinuswerte kung ganun!" May ismid na sabi nito. Dahil sa sinabi nito ay biglang napadilat siya kay Devin.                      " Anong sabi mo?! Akala mo tuwang tuwa ako sa nakita ko!" Nakataas kilay na sabi niya pero ang sabi talaga ng kabilang utak niya ay ( pwede isa pa? ).                     "You don't know how much girls drool over me." Mayabang na sabi nito.                     " Sila iyon at hindi ako! Baka likas na tulo laway sila kaya ganoon! Hehehe!" Maldita niyang sabi.                     " Kunwari kapa! Ikaw nga alam kong deep inside ay nabitin ka sa nakita mo eh! Tsk! Sorry! You can look but you can never touch, not until I told you."  may pangaasar na sabi nito.                     " Hoy! 'Wag kang feelingero! Kahit sa panaginip ko ayokong makita yang bulati mo noh?" namimikon na sabi ni marj.                     " Teka nga! Ako ang boss dito ah! Bakit ganyan mo ko kung sagot-sagutin?!" tila napipikon ng sabi nito at para gusto ng umusok ang tainga sa makikita mong galit nito sa mata. Dahil dito ay napatahimik si Marj.                         "Sorry naman!" sabay peace sign na sabi ni Marj.                     " Sige na! Pumunta ka na ng kusina! Hintayin mo ko huh? Sabay tayong kakain!" May diing utos nito.                     " Ok po! Teka bakit po ako sa inyo sasabay eh katulong ako dito?!" Takang tanong in Marj.                    " Eh sa iyon ang gusto ko! Bakit ka ba nakikialam huh? Lahat ng inuutos ko nasusunod! Susunod ka ba o hindi?"  tanong nito kay Marj habang dahan dahang lumalapit sa dalaga at napapaatras naman si marj. Nang macorner siya sa pader ni Devin ay lumusot sa ilalim si Marj at tumakbo patungong pintuan.                      Pero bago pa makalabas ay sumigaw ito.                      "Una na ko Boss Bulate!" nakangisi nyang sabi nito pero bago pa man siya tulyang makalabas ay hinatak siya nito.                 " Anong sabi mo? Bulate ba? Baka gusto mong makita ulit?" Nakangising sabi ni Devin sa kanya. Akmang maghuhubad na nga ito ng kumaripas palabas si Marj at naiwang tawa nang tawa si Devin.                  Habang naglalakad si marj papuntang kusina ay nasabi niyang....                "Sayang! Sana di muna ko tumakbo para nakita ko ulit." bulong nya sa sarili at bigla din tinampal ang sarili "Haist! Ano bang pinagsasabi ko! Nyeta!" Nagulat siya ng may magsalita sa likod niya. Si devin pala nakasunod na.                   " Baliw talaga! Sinasaktan ang sarili! Tsk!" Anito atsaka inunahan siyang maglakad.                  "s**t! Narinig kaya nya? 'Wag naman sana." Dalangin niya.                   Biglang lumingon si  Devin sa kanya.                   "Wag kang mag-alala, makikita mo ulit to next time." saka nakangisi siyang iniwan.                   "Shemay! Narinig nga! Lupa kainin mo na ko!" Sigaw niya.                  Nagulat siya ng sumigaw din si Devin. "Sayang naman kung lupa lang kakain sayo,  pwedeng ako na lang?" makahulugang sabi nito saka tumawa ng malakas papuntang kusina na kinataka ng mga katulong dahil ngayon lang nila ulit nakitang ngumiti ang amo at 'di lang pala basta ngiti kundi tumatawa pa ito.                "Itong kutong lupang to! Babalik talaga ako sa probinsya isa pang pang-aasar nito." mahinang sambit niya na narinig pala ni Devin ng makaupo sila sa dining area.                " You think hahahayaan pa kitang makabalik sa inyo? No sweetheart! Once you're in my hands I won't let you get away from me! Not in anyway. Tandaan mo yan!" may bantang sabi nito sa kanya. Biglang nawala ang makulit na kausap niya kanina at napilitan ng seryosong Devin kaya naman ganoon na lang pagtayo ng balahibo niya.             "Lord help me!" ang naidasal niya bago kumain imbes na " Lord, thanks for the food." Dahil sa naramdamang kaba.  ----------------------------------------------------------------------------------------------------- A/N: Sorry kung natagalan ang update. Baka everyday na po ang update ko. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD