Isang buwan mahigit na mula ng makita ni Marj ang lalaking kamukha ng kanyang asawa. Sinikap niyang di makita o magpakita dito. Di sya masyadong naglalabas ng bahay, madalas si cora na lang ang utusan niya para bumili ng mga kailangan. Isang hapon tinawagan siya ni angie at inaaya siyang magvideoke sa isang private room sa isang bar. Tinanggihan niya ito pero likas na makulit ito at di tumitigil hanggang sa di siya pumayag. "Ano ba Angie? Sinabi ko nang ayoko nga eh! Bakit ba ang kulit mo? I'm not feeling well, can't you understand that?" naiinis niyang sabi dito. "Basta! Magagalit ako sayo nang tuluyan at kakalimutan na kitang kaibigan at kumare! Ano?!" galit na banta ni Angie. "Tsk!