3rd Person's POV...
Nakalipas ang limang taon...
Lahat ng nangyari ay nakalimutan na nang lahat, nabura lahat ang mga alaala nila maski mga Deadly Royal.
Nawala lahat ang mga masasama pero di naman mawawala yun sa kwento may mga bagong kalaban na lalabas sa estoryang ito.
Continuation...
May babaeng tumatakbo dahil nahuhuli na siya sa trabaho niya.
"Waaaa! Late nako! Di ko pa kasi naset ang alarm clock kagabi kainis!" Naiinis na sabi niya habang tumatakbo padin.
Siya si Autumn Watson, 22 years old. Kahit wala siyang naalala may umampon sa kanya na mag asawang walang anak at nagtatrabaho siya bilang tagaluto sa isang restaurant sa isang kompanya. Wala siyang maalala noon tungkol sa pagkatao niya dahil sa Powers of destruction nabura lahat at pati nadin ang alaala nila.
At ngayon tumatakbo padin siya hanggang sa makarating na siya sa kompanya.
Autumn POV...
"Magandang umaga, guard!" Masayang sabi ko.
"Eh? Magandang umaga din... Late ka na Autumn." Sabi ni Kuya Guard.
"Oo nga po. Sige po!" Sabi ko at tumakbo papasok sa restaurant dito sa loob ng Kompany.
Dumiretso ako sa locker at nagbihis at lumabas na wala man lang nakahalata.
"Autumn, nandito ka na pala mabuti busy si Mrs. Soo sa mga foods kaya di ka napansin na late ka." Sabi ni Ranz. Napakamot ako sa batok.
"Teka ano bang meron? Bakit busy si Mrs. Soo sa mga foods ganun ba karami ang bisita ngayon na pupunta dito?" Sabi ko sa kanya.
"Di mo alam? Nandito ngayon ang new owner ng kompany!" Sabi ni Ranz. Teka di na si Mr. Flores ang may ari?
"Autumn!" Nanindigan ang balahibo ko kung sino ang tumawag. Nakakatakot talaga siya.
"M-mrs. Soo, bakit po?" Sabi ko at humarap sa kanya nang nakangiti.
"Wag kang ngumiti! Kanina pa kita hinihintay! Baka nakalimutan mong tagaluto ka dito diba." Napapikit ako. Nako naman nakalimutan ko.
"Pasensya na po!" Sabi ko at nagpaalam nako kay Ranz. At dumiretso sa kusina. Ang dami ngang kailangang lutuin.
Matapos ang ilang oras natapos ko na lahat at napaupo ako sa gilid.
"Ayan kasi ang tagal pumasok. Pasalamat ka isa ka sa mga marunong magluto dito sa susunod ha." Sabi niya. Napatango ako at nagsorry.
Lumabas nako ng kusina at umupo sa may lobby ng kompany.
"Hay, nakakapagod naman." Sabi ko habang nakapikit.
'Ang sarap nung pagkain natin kanina sino kaya ang nagluto nun gusto ko siyang kunin para sa restaurant ko.' Sabi nung isang lalaking nakabusiness suit.
Teka kukunin nila ako?
'Mamaya pag balik natin tatanungin natin kay Mr. Evans kung sino ang tagaluto dito sa restaurant nila.' Sabi nung isa.
Kukunin nila ako? Pero mas gusto ko dito...
Napatakbo ako papunta pabalik sa Restaurant nako naman oh!
Pagbukas ko sa office ni Mrs Soo.
"Mrs. Soo! Dito lang po ako wag niyo akong ibibigay sa iba ha?!" Sabi ko habang nakaluhod sa kanya. Mukhang di niya alam ang sinasabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Sabi naman nito.
"Narinig ko kasi yung mga naka business suit na kukunin nila ako dahil masarap daw luto ko... sa susunod di ko na sasarapan... aray naman!" Binatukan naman ako ni Mrs. Soo.
"Anong di sasarapan? Wag kang mag alala sasabihin natin sa bagong boss ang tungkol dito." Sabi niya. Napangiti ako at niyakap siya kahit parati akong pinapagalitan nito ramdam ko ang pag aalaga niya sa akin.
"Salamat po!" Sabi ko. At tumango siya.
"Magpahinga ka na." Sabi niya. Tumango ako at lumabas. Napatingin ako sa oras 4pm na pala.
Nagbihis ako at lumakad na.
Dumiretso ako sa mall dahil may bibilihin ako na mga gulay at prutas kasi wala na kaming stock sa ref.
Nang makabili nako sa grocery...
Naglalakad ako ng may mga babaeng nagtitili at mukhang mamamatay na sa katitingin sa isang lalaki.
Teka... pamilyar siya.
Diretso lang ang lakad niya ng napahinto siya at tumingin sa direksyon ko at naglakad papunta saakin. Napatingin ako sa likod ko walang tao.
Ah baka pupunta siya sa store sa likod ko kaya lalakad sana ako ng hawakan niya ang balikat ko.
Napatingin ako sa kanya.
"B-bakit?" Sabi ko nalang.
May binigay siyang maliit na box saakin. Napatingin ako sa kanya.
At wala na siya sa harapan ko.
Napatingin ako sa paligid pero wala siya at yung mga babae nagulat din sa pangyayari.
"Sino yun?" Napatingin ako sa maliit na box na binigay niya. Inilagay ko ito sa bulsa ko.
At dumiretso sa bahay.
"Nandito na po ako!" Masayang sabi ko.
"Nandito ka na pala Autumn." Nakangiting sabi ni Lola.
Niyakap ko ito napansin ko na wala si Lolo.
"Asan si Lolo?" Sabi ko.
"Nandun sa may palayan may ginawa." Sabi nito. Napahawak ako sa ulo ko. Si lolo talaga...
"Ah lola ang lulutuin ko ngayon ay ang favorite niyong chop sui!" Nakangiting sabi ko.
"Salamat Autumn." Sabi nito. At dumiretso nako sa kusina at nagluto. Naalala ko ang nangyari kanina. Bakit ganun?
Nawala bigla ang lalaki... nagteleport?
Imposible naman yun.
Nang maluto na hinain ko na at dun din ang oras na dumating si Lolo.
"Kumain na po kayo, lo." Sabi ko at inalalayan ko na siya sa upuan.
"Salamat, ang swerte talaga namin sayo." Napangiti ako sa sinabi ni lolo.
"Ang perfect mo, apo. Ang swerte ng lalaking mapapakasalan mo." Maiyak iyak na sabi ni Lola.
"Ako po ang swerte sa inyo kasi nakilala ko po kayo. Kahit ito lang ang kabayaran ko sa magandang ginawa niyo saakin." Sabi ko sa kanila.
Niyakap ko silang dalawa. Nang matapos na kaming kumain pinatulog ko na sila at niligpit ko na ang plato at hinugasan.
At dumiretso sa kwarto ko at nagbihis at naalala ko yung box na binigay saakin nung lalaki kanina.
Pagbukas ko nakita ko ang isang kwintas doon at may pendant na Tiger ang itsura.
At may sulat!
Makokompleto tayo pag magtutulungan tayo laban sa kasamaan. Kahit nakalimutan niyo ang nakaraan babalik ito at magsisimula ang bagong kabanata sa ating buhay. Mabubuhay ang kabutihan laban sa kasamaan. Pinili mo ang tama na desisyon at ngayon tataluhin na natin ang kasamaan.
-Ares
Ares? Sino naman yun....
Parang sa greek mythology na Ares the God of War.
Nakatingin ako sa pendant na tigre. Kaitsura sa tattoo ko.
Bakit niya alam? Sino ba siya?
Nakaramdam ako ng kakaiba kaya lumabas ako ng bahay at nakita ko na tumatakbo ang mga tao sa park.
Anong nangyayari? Teka h-halimaw!
At nakita ko na may nakikipag laban sa mga halimaw. Teka kailan pa nagkaroon ng halimaw dito sa mundo namin! Di naman ako naniniwala sa ganyang nilalang!!
Nagtago ako sa gilid. Ang papanget nila! Di ko care na tumingin sa itsura nila parang nanindigan ang mga balahibo ko.
Nakita ko na may hawak siyang dalawang kutsilyo at pinagsasaksak sa mga halimaw hanggang sa bumagsak ito. Ang galing niya!
Agad nakong umalis doon baka makita pa ako sino ba ang lalaking yun?
Tyrome POV...
"Nahanap niyo na ba?" Sabi ko kina Poseidon. Umiling sila napabuntong hininga nalang ako.
(Maaga bumalik ang alaala nila kaya magkakilala na agad sila nila Poseidon, Apollo, Hades, Artimis, Hera at Ares. Sila na ang humanap kina Artimis at Ares.)
"Hay, ang ganda naman ng bagong opisina mo, Zeus." Sabi ni Apollo at tinitingnan ang mga magazines.
"May taste din sila sa designs." Sabi naman ni Artemis. Mahilig kasi siya sa designs.
*Phone Ring*
Sinagot ko naman ito.
"Oh?"
"Hinahanap po kayo ni Mr. Santiago." Sabi nung Secretary ko.
"Papasukin siya." Binaba ko na.
Tiningnan ko sila.
"Aish! Okey na ang pwesto ko dito eh!" Reklamo ni Apollo. Bigla nalang hinawakan ni Artemis ang tenga ni Apollo at dinala sa kabilang kwarto.
May isang room na doon sila magste stay. Sumunod na din ang iba.
Pumasok naman si Mr. Santiago.
"Mr. Evans, may gusto kasi ako. At gusto kong ihire ang inyong tagaluto yung nagluto sa kinain natin kahapon." Tumaas ang isang kilay ko. Taga luto? Means sa restaurant ko sa baba ng kompanya ko?
Tiningnan ko naman siya.
"Nasa kanya ang desisyon hindi sa akin." Sabi ko. Pero parang may kakaiba sa nangyayari.
"So okey lang sayo na ibigay siya saakin?" Sabi niya.
"Do as you please." Sabi ko sa kanya.
"Mukhang di mo pa talaga alam kung paano magpapalakad ng kompanya Mr. Evans." Nakangiting sabi niya.
"What do you mean by that?" Sabi ko sa kanya.
"Ibibigay mo ang isa sa mga lumago ng restaurant mo dito sa loob ng kompanya mo... bahala ka kung yan ang gusto mo." Sabi niya. Isa sa mga lumago?
"Sige una na ko at salamat sa chef mo." Sabi niya.
At lumabas na siya.
Napaisip ako napakapamilyar ng pagkain kahapon parang natikman ko na ito.
At ayon sa mga narinig ko siya ang pinakamagaling na tagaluto dito. At 2 years na siyang nagtatrabaho dito.
Biglang lumabas si Apollo.
"Waaa wag mong ibigay ang tagaluto dito! Ang sarap kaya ng pagkain niya parang luto ni... Baby Athena." Malungkot na sabi nito. Athena...
"Sa wakas may lumabas sa baba mo na importante bagay may ganun ka pa palang pag iisip?" Sabi ni Artemis. Napapout naman si Apollo.
"Tsk." Apollo
"Apollo is right at tyaka di mo dapat binibigay basta basta ang mga empleyado mo." Sabi ni Apollo.
Napaisip ako.
"My desisyon is final." Sabi ko at umalis doon. Bakit ko nasabi yun? Tama sila di ko dapat pinamimigay ang mga empleyado ko at dahil sa kakaisip pumunta nalang ako sa lugar na malalanghap mo ang sariwang hangin ng paligid.
Di ko alam parang pinagsisihan ko ang sinabi ko. Feeling ko may mali sa nangyayari.
Autumn POV...
"Waaaa! Ayoko!" Parang bata kong sabi. Kahit na ayokong lumipat. Ayos lang ako dito tama tama lang ang sweldo makapabuhay kina Lolo at Lola.
Nagtago nako sa likod ni Mrs. Soo. Nandito kasi ang mga guards ng lalaking kukuha daw sa akin.
"Times Ten ang sweldo mo doon kung sasama ka saamin." Sabi nito. Eh? Times ten? Binilang ko sa kamay ko... Teka hindi dito lang ako.
"Eh?.... basta ayoko! Dito lang ako. Mrs. Soo okey lang sa akin na sigawan mo araw araw wag mo lang akong ilipat." Sabi ko sa kanila.
"Baka sisikat ka pa sa ibang bansa." Sabi pa nung isang guard. Wala naman akong pake sa proposal nila di ko din iiwan sila Lolo at Lola noh kahit saang bansa pa yan. Manigas sila sa kinatatayuan nila ayokong sumama sa kanila.
"Wala akong pake kahit anong ibigay niyo saakin di ako papayag sa kagustuhan niyo dito na ang buhay ko at di ako aalis dito." Sabi ko sa kanila.
"Kung ayaw mo talaga... no choice." Biglang lumapit ito at tumakbo ako at gumamit ako ng elevator hanggang makarating ako sa rooftop. Ang bilis ng puso ko dahil sa kaba. Teka bakit sa rooftop ang punta ko?! Wala akong babaan dito!
At nagulat ko nang sinirado nila ang pintuan. Naman oh! Sabing ayokong sumama sa kanila!
"Ang tigas din ng ulo niyo noh? Sabi ko ayokong sumama sa inyo! Maghanap kayo ng best chef sa ibang bansa!" Sabi ko. At pumunta sa huling parte ng rooftop. Ang taas naman!
"Sige lumapit kayo at tatalon ako." Sabi ko sa kanila. Nako naman tong ginagawa mo sa buhay mo Autumn eh sa ayokong umalis dito eh.
"Pwede naman natin tong pagusapan ng maayos, Miss Autumn. Di ka magsisisi sa sweldo na ibibigay ng kompanya namin sayo." Sabi nung isa sa mga guard.
"Lamunin niyo pera niyo!" Sabi ko at umaatras. Kinakabahan ako sa ginagawa ko ngayon. Napalunok ako dahil isang step ko na dito ay mahuhulog na talaga ako.
"Wag po kayong gumalaw Miss Autumn." Sabi nung guard. Ginagawa talaga nila ng paraan para di ako tatalon.
Umaatras pa ako ng bigla akong nadulas kaya di ko maisip na mahuhulog nako dahil sa pagkabigla.
Ang nararamdaman ko ngayon ay ang lakas ng hangin. At pumikit nako ayokong makita ang kalagayan ko ngayon di ko na alam ang mangyayari saakin. Nasa pakiramdam ko din kasi na wag akong aalis sa kompanyang yun dahil nandoon ang sagot sa mga tanong ko pero...
Bahala na ito na yata ang huling buhay ko. Mukhang hindi sa ibang bansa ang punta ko nito kundi sa langit.
*****
LMCD