CHAPTER 6.5

1682 Words
CASSANDRA Hindi ko alam kung anong oras na. Mahigpit ang kapit ko sa hawak na kahoy habang binabagtas ko ang mahabang kalsada dahil wala akong kusing sa aking bulsa upang sumakay sa tricycle aty iligtas ang sarili ko sa lamig ng gabi. Nasa kalagitnaan na rin ako. Ang dalangin ko na lang ay huwag sanang makatagpo ng adik sa daan dahil malaking problema iyon. Wala pa namang rumoronda rito tuwing ganitong oras. Kaunti na lang ang mga sasakyang dumaraan dahilan para mas lalo akong kabahan. Halos mapatid na ang aking mga binti, dahil ilang minuto na rin akong naglalakad. Malayo-layo pa ang aking lalakbayin, kaya sana mayroong magpasakay sa akin, maawa. Yakap-yakap ko ang aking sarili pati na rin ang kahoy na sandata ko. Palalim nang palalim ang gabi, palamig nang palamig ang simoy ng hangin. Unti-unti nang kumakapit sa binti ko ang manhid, natutukso na akong tumigil para magpahinga muna kahit saglit ngunit pinipilit ko pa ring ihakbang ang aking mga paa. Kailangan kong mai-report kaagad sa pulisya ang nangyari. "Sana pagbalik ko mamaya nasa bahay na si papa," pakiusap ko habang nilalabanan ang lamig. Nakayuko na ang aking ulo, sa semento na nakatingin ang aking mata. May sasakyang bumusina sa akin kaya tumigil muna ako saglit. Pag-angat ko ng ulo, nakita ko ang sasakyan na kulay puti na may nakasulat na pulisya. Nagdiwang ang puso ko dahil tinigilan nila ako. Bumaba iyong driver ng sasakyan tapos lumapit ito sa akin. "Anong ginagawa mo rito, ineng? Gabi na," ani 'ya. "Mawalang galang na po, mamang pulis. Papunta po sana ako sa opisina ninyo para i-report po ang pagkawala ng aking ama. Hanggang ngayon po kasi ay hindi pa rin po siya umuuwi sa bahay namin, baka po matulungan niyo po kami," sabi ko sa kaniya. "Sige. Tagasaan ka ba? "Taga zone 2 po. Sa may ilalim po ng tulay ang bahay po namin." Tila nagkaroon ng kalinawagan ang isip ni mamang pulis noong marinig ang address ng tinitirahan ko. "Sakto, doon din kami pupunta. Baka kilala mo si Facundo Cabrera, tagaroon din siya sa zone 2." Nanlaki ang mga mata ko. "Papa ko po iyon!" "Aba naman, what a coincidence. Iyon iyong ipapa-report mo sa aming nawawala?" tanong niya. "Opo, siya nga po. Nakita niyo na po siya? Nasaan po siya ngayon?" sunod-sunod kong tanong. Naguguluhan ako kung bakit pupunta sa bahay itong mga pulis, bakit di nila kasama si papa sa pagpunta sa bahay? "Ahm, ineng siguro kailangan mong sumama sa amin pabalik sa opisina. Halika at pumasok sa loob, masyado nang malamig," sabi no'ng mamang pulis. Tumango ako tapos sumunod naman din sa kaniya. Hindi lang siya nag-iisa ro'n sa loob ng sasakyan, may dalawa pa siyang kasama. Sa likod ako umupo, kasama iyong babaeng pulis. "Hello, bakit ka naglalakad nang ganitong oras?" tanong nito sa akin. "Anak siya ni Facundo. Pupunta sana siya sa opisina para mag-report," sabat no'ng mama kaninang bumaba. "Eh?" Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig no'ng magandang pulis. Tumingin ulit siya sa akin, ngayon ay nawala na iyong nakangiti niyang mata. Anong dahilan ng bigla niyang pagkalungkot? May nangyari kayang masama kay papa? O di naman kaya... "May ginawa po bang masama si papa kaya po siya nasa opisina niyo ngayon? Kung ano man po ang ginawa niya, nagawa niya lang po iyon para po sa amin. Mahirap lang po kami at siya lang po ang inaasahan ng aming pamilya. Baldado na po ang aking ina, apat po kaming magkakapatid. Kung nagnakaw man po si papa o kung ano man ang ginawa niya para ikulong ninyo, sana po mapalabas niyo po siya sa kulungan." Ayaw kong mag-isip ng ganoon na baka nakulong si papa pero iyon lang kasi ang dahilan na naiisip ko kung bakit nanatili sa opisina ng pulis si papa at di na nakauwi sa bahay. Marahil ay mabigat ang kaniyang dibdib dahil hanggang ngayon ay hindi siya nakahanap ng mapagtatrabahuhan kaya nakagawa siya ng masama. Pero naniniwala ako na hindi iyon intensyon ni papa, mabuti siyang tao at lagi niyang itinuturo sa amin na maging mabuti rin sa aming kapwa at wag gagawa ng masama dahil totoo ang karma. Isa pa, tinuruan niya kami na matakot kami sa Diyos dahil lahat ng ginagawa namin ay alam niya. Kaya kung ano man ang nagawa ni papa ngayon? Sana mapatawad siya ng Diyos sa kaniyang kasalanan. "Na-Nagkakamali ka ineng, walang ginawang masama ang papa mo. Ang--" "Hayaan mong malamman niya kapag nakita na niya ang kaniyang ama. Siguro mas mainam iyon," muling sabat ni mamang pulis. Kinimkim na lang ni ate iyong kaniyang sasabihin tapos nabalot na ng katahimikan ang loob ng sasakyan pagkatapos no'n. Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe namin. Noong makarating, inalalayan ako ni ateng pulis sa pagbaba dahil medyo mataas ang sasakyan. "Tulog po ba si papa?" kuryoso kong tanong. Nais ko lang malaman kung anong kalagayan niya. Tumingin ito sa akin. Halata ko ang pag-aalinlangan sa kaniya. Anong pumipigil sa kaniya para sagutin ang simple kong katanungan. "Lika, nandito ang papa mo," sabi niya sa akin, hindi na sinagot iyong katanungan ko. Sinundan ko siya. Imbes na sa pinto ng opisina kami pupunta, sa ibang diireksyon ako dinala ni ateng pulis. Nasa likod namin iyong iba pa, sinamahan din kami. Kinakabahan ako. Ano ba talaga ang dahilan bakit nandito si papa kung wala naman siyang ginawang kasalanan? "Ineng, sandali..." tawag ni mamang pulis. Huminto ako tapos liningon siya. "Po?" tanong ko. "Ihanda mo ang iyong sarili sa makikita. Ngayon pa lang, humihingi kami ng kapatawaran sa iyo dahil hindi na namin naisalba ang papa mo," sabi niya. Magtatanong sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin kaso bigla niyang dinugtungan ang kaniyang paunang salita. "Papasukin mo na siya," utos nito ro'n kay ateng pulis. Naramdaman ko ang kamay nito sa aking balikat, inakay ako patungo sa loob ng silid. Napatakip kaagad ako ng aking ilong dahil sa hindi maipaliwanag na amoy. Wala akong ibang nadatnan sa loob kung hindi ang puting tela na nakapatong sa ibabaw ng kama. Hugis tao ito, siguradong mayroong nasa ilalim no'n kaya ganoon. "Nasaan po si papa?" nagtataka kong tanong dahil wala naman ito sa loob. Itinuro ni ateng pulis itong kama kaya muling napukol doon ang aking tingin. Kunot noo akong lumapit doon sa kama. Hindi naman mahina ang utak ko para hindi makuha ang sitwasyon. Kung nasa ilalim siya ng punting kumot, balot ang kaniyang katawan at wari'y hindi na gumagalaw, isa lang ang ibig no'ng sabihin. Nanginginig ang aking kamay noong iangat ko ito at dahan-dahang ibaba ang nakatalukbong na kumot. Unang tumambad sa akin ang buhok na may bahid ng tuyong dugo. Masangsang din ang amoy ngunit sa pagkakataong ito, wala na akong pake roon. Natatakot ako ngunit nakikipag-agawan ang desperasyon sa aking puso kaya naman hinawi ko paibaba ang kumot nang mabilis upang malaman na ang katotoohanan. Nanlambot kaagad ang aking katawan. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang isang kamay upang hindi makagawa ng ingay. "P-Pa... a-ano pong nangyari sa papa ko. Bakit po siya may dugo?" Nanginginig ang aking labi. Bumuhos ang luha sa aking mata na parang talon. Hindi ko alam kung anong aking gagawin. Hindi ko maialis ang tingin ko sa maputlang mukha ni papa. "Kasalukuyan pa naming iniimbestigahan ang nangyari sa kaniya. Hindi rin namin malaman pa sa ngayon kung ano ang motibo ng krimen, kung siya ba ay hinoldap dahil nasa sa kaniya pa naman ang wallet nito ngunit wala iyong lamang pera. Balak sana naming imbitahan kayo rito para malaman niyo ang nangyari at makuha ang bangkay ng inyong papa, mabuti na lang at nasalubong ka na namin. At saka, base sa kwento mo kanina... makikipag-ugnayan na lang kami sa munisipyo para makahingi ng tulong sa pagpapaembalsamo at pagpapalibing sa iyong ama." Hindi ako kumibo. Anong sasabihin ko? Salamat? Gusto kong malaman ngayon kung anong nangyari sa kaniya, bakit siya pinatay nang ganito. "Ineng, matanong ko lang pala, mayroon ka bang kilalang tao na pinagkakaatrasuhan ng papa mo? Maaaring iyon ang maging susi sa pagkaka--" "Mabait pong tao ang papa ko. Wala po siyang kaaway," pamumutol ko. "Ganoon ba. Kung gayon, ihahatid ka na ni ate pabalik sa bahay niyo dahil gabi na rin. Wag kang mag-alala dahil gagawin namin ang lahat para mahanap kung sino ang salarin sa pagkamatay ng iyong ama." Hindi ko biinitiwan ang braso ni papa. Ayaw kong umalis, ayaw kong umuwi dala-dala ang nakakapanlumong balitang ito. Ano na lamang ang mangyayari sa amin? Kapag nalaman ito ni mama, baka mas lalong lumala ang kalagayan niya. Sina Pampam, Jekjek at Toto na umaasa na naghihintay sa bahay... ano na lamang ang mararamdaman nila kapag sinabi ko sa kanila ang nangyari sa papa namin? "Ineng... halika na. Ihahatid na lang namin bukas ang papa mo para mapaglamayan niyo na." Hinila niya ang braso ko kahit na nagmamakaawa ako sa kaniya na ayaw ko pang umalis ngunit ang sinabi niya lang na dahilan sa akin ay baka makakuha ako ng sakit kapag tumagal akong nakatambay sa silid. "PAAAAA! SANDALI PO... GUSTO KO PA PONG MAKITA SI PAPA!" "Makikita mo pa naman siya bukas. Kailangan ka na naming ihatid, ineng." "Ayaw ko po... ayaw ko pong umuwi!" Dumulas iyong kamay ni ateng puli sa pagkakahawak sa braso ko kung kaya't napasalampak ako sa sahig. Hindi ko ininda ang sakit mula roon dahi walang panama iyon sa sakit ng mawalan ng mahal sa buhay. "Marami pong umaasa na babalik si Tatay. Kapag umuwi ako nang mag-isa... malulungkot po ang mga kapatid ko," ani ko habang humahagulgol. Hindi ko mailarawan kung gaano kalalim ang hapdi. Ano bang nagawa ng papa ko para danasin niya ang ganitong klaseng kapalaran? Wala siyang ibang hiniling kung hindi ang mapabuti kami. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang buhayin kami. Bakit ganito naman ang nangyari sa kaniya, Panginoon? Bakit kung sino pa iyong walang mabuti ay inyo kaagad na kinukuha? Paano na kami nito? Paano ko bubuhayin ang aking pamilya kung pangangalakal lang ang alam kong gawin? Kung doon lang ako matatanggap? Sino na ang mangangaral sa amin? Sino na ang gagabay sa amin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD