CASSANDRA Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang kinamuhian ang dilim. Ang dating payapa at magandang oras, hatid ay bangungot na sa akin ngayon. Sabi ko sa sarili ko, kahit ilang araw ang ilagi ko sa trabaho kong ito, hindi pa rin ako masasanay na makita ang sarili na halos walang saplot sa katawan. Hindi ko pinangarap at hindi ko nakita ang sarili ko na aabot sa puntong ito. Ayos lang kung pasukin ko kahit anong trabaho pero ni minsan hindi ko inasahan na pati rito ay mapapadpad ako. Minsan, naiisip ko ang sinabi ni Precious. Na wala naman talagang ambag ang may kapal sa kung anong nangyayari sa buhay ko. Na hinahayaan niya lang akong magdesisyon para sa aking sarili. Kung ano man ang nangyayari sa buhay ko, ako lang ang dapat sisihin doon. "Ready ka na ba? Nagsisidatingan na ang custom