TOTO "Ito ang bill na kailangang bayaran bago makalabas ang nanay mo iho. Pwede kang humingi ng tulong sa munisipyo, pero kailangan mo munang kumuha ng indigency sa baranggay niyo para makahingi ka ng kahit kaunting tulong. Kung mayroon ka ring kamag-anak na may philhealth ID, pwede ring gamitin iyon para makabawas sa gastusin," sabi sa akin ng doktor. Pagkatingin ko ro'n sa bill, lunok laway sabay kagat na lamang sa ibabang labi ang nagawa ko sa di inaasahang laki ng bayarin. Limang libo, para sa hindi pa bente kwatro oras na panunuluyan ni nanay sa hospital. "K-Kumusta naman po dok ang lagay ng nanay ko? Maayos na po ba siya?" "Sa ngayon ay maayos na ang lagay niya pero kailangan niyang laging mabantayan. Pahina nang pahina ang kaniyang baga kaya kailangan kung maaari, hindi pweden