CHAPTER 24: Wedding DRAKE SEAN'S P.O.V Matapos ang laban namin ay nagpasiya naman kami nila Clyde na sumamang mag-ikot sa school namin kasama ang mga girls dahil kasabay ng sports fest ay foundation day din namin. Nang maalala ko na bumili nga pala ako ng promise ring namin ni Audrey ay agad akong nag-ikot ng tingin sa paligid para makita kung dadating na ba ang ki-kidnap kay Audrey papuntang wedding booth. "Ahm, guys pupunta lang ako sa CR," paalam ko sa mga kasama ko saka ako nagmamadaling umalis. Nang makaalis ako ay agad akong pumunta sa wedding booth at saktong pagdating ko do'n ay tapos na ang mga kasalukuyang kinakasal kaya naman nang makita ako ng organizer ng booth ay agad akong hinila ng mga ito para makapagbihis. "Drake, magpalit ka na at kami nang bahala sa wife mo. By th