CHAPTER 20: Blame DRAKE SEAN'S P.O.V Dalawang araw din ang nakalipas matapos isugod si Beatrice sa hospital. Kasalukuyan naman akong naghihintay sa labas ng ICU dahil hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Beatrice. Marami kasing dugo ang naubos sa katawan niya kaya kinailangan siyang salinan ng dugo. Matapos isugod si Beatrice sa hospital ay wala akong ibang nagawa kundi ang sabihin sa mga magulang namin ang nangyari kay Beatrice kaya naman dalawang araw na rin akong hindi nakakapasok sa school. Pero kahit na hindi ako nakapasok ngayon sa school ay hindi pa rin namin nakalimutan ni Audrey na magpalitan ng message. At hanggang ngayon ay tuliro pa rin ang utak ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na hindi pala kapatid ang tingin sa akin ni Beatrice. I always see her as my younger s