CHAPTER 28: Return DRAKE SEAN'S P.O.V Dalawang araw makalipas na dumalaw sa akin ni Dad ay hindi pa ulit nakabalik ng hospital ang ama ko, matapos namin mag-usap. At sa nakalipas din na dalawang araw na 'yon na pananatili ko sa hospital ay wala pa ring nagbabago sa kondisyon ko, dahil hindi ko rin alam kung paano ko maibabalik ang marka na nawala sa braso ko. "Drake, dinalhan ka nga pala namin ng makakain." sabi ni Marquis pagkapasok nito sa ward ko kaya naman tumango lang ako at muling napasulyap sa labas ng bintana. "What are you thinking?" seryosong tanong naman sa akin ni Clyde nang mapansin niyang malalim ang iniisip ko. Napabuntong-hininga muna ako saka sila muling hinarap. "I just think why she didn't come back here," I said seriously, and I saw them stare at each other. "You