Gab was aware na hindi dapat biglain si Christine. Pero habang nagsisipilyo sila nang sabay ay kung anu ano na ang pumapasok sa isip ni Gab. Excited na excited siya dahil pakiramdam niya ay mapapapayag na niya si Christine ngayong gabi. Ang tagal na din naman ng pinaghintay ko. Walong buwan. Walong buwan na walang sex... parang hindi ko na kayang magtiis. Lahat ng ito ay nasa isip lang ni Gab. Mabilis siyang nagbilang mentally, natigil ang pagsi-s*x nila ng 4 months na ang tiyan ni Christine, at ngayon ay 3 months na mula nung manganak ito. Ang tagal na pala talaga! Parang kahit si Gab ay nagulat sa walong buwang kinaya niya. “Mahal, may problema ba?” Napansin ni Christine na ang lalim ng iniisip ni Gab. “Wala naman, Mahal. Bakit mo naitanong?” Ibinalik na ni Gab sa lalagyan ang tooth