CHAPTER 3

3232 Words
Yakap yakap ni Christine ang anak niyang walang malay at may benda pa sa ulo. Habang umiiyak siya at awang awa sa anak ay nagsalita si Jepoy.  “Sorry, ate...sorry talaga hindi ko nabantayan si Tristan. Hindi ko napansin na umalis siya sa pwesto namin.” Umiiyak si Jepoy habang nagpapaliwanag. At sumabat si Gabriel.  “Ahh...Misis?” Nilahad ni Gabriel ang kanang kamay niya. “Ako nga po pala si Gabriel Moreno. I’m really sorry, hindi ko sinasadyang mabundol ang anak nyo. Hindi ko napansin na naatrasan ko siya.”  Pagkasabi ni Gabriel nito ay siyang pasok naman ng doktor.  “Kayo po ba ang parents?” Tanong ng doktor at tumingin kay Christine at kay Gabriel.  “Ako po, ako po ang nanay.” Sagot naman agad ni Christine.  “Ah, Misis, huwag po kayong mag-alala. Hindi naman po malala ang nangyari sa bata. Hindi na kailangan na ma-admit. Na-shock lang siya at nawalan ng malay pero maliit lang din naman ang sugat sa ulo. Tinahi na po namin kanina, nasa 3 stitches lang.” “Salamat naman, salamat po, doc.”  “Okay, Misis. Pwede na po ninyong iuwi ang anak ninyo.”  “Okay, thanks, doc.” Sumagot naman si Gabriel sa doktor sabay nag-paalam kay Christine na siya na ang mag-aasikaso ng discharge procedure and billing. Tumango lang si Christine at hindi na nagsalita. Alam kasi niya na partly ay may pagkakamali naman siya dahil hindi niya dapat na hinayaan ang anak niya na sumama kay Jepoy.  Nang makabalik na si Gabriel mula sa pagkuha ng discharge papers, nag-alok na din siya na ihatid sina Christine.  “Andito na ang papers. Pwede na tayong lumabas. Pakihintay nyo na lang ako sa lobby, kukunin ko lang ang kotse ko.”  “Hindi na..” Agad na sagot ni Christine. “Pwede naman kami mag-taxi.”  “No, I insist. Ihahatid ko na kayo.” “Sige, kung yun ang gusto mo, pupunta na kami sa lobby.” At sumenyas na siya kay Jepoy na sumunod sa kanya, habang kinarga naman niya si Tristan.  Sa loob ng kotse ay inihiga nila si Tristan sa may likod at nakaunan ito sa kandungan ni Jepoy. Si Christine ang naupo sa tabi ng driver dahil bawal ang minor sa front seat.  “Saan ang address niyo?” Tanong ni Gerald nang umaandar na sila.  “Sa Sitio 13...sa tabing kalsada lang yun malapit sa UP Manila.” Sagot ni Christine.  “Ah, okay, alam ko iyon.”  “Pasensiya ka na ha, Sir, naabala ka namin.”  “Huwag na sir itawag mo sa akin, Misis. Kahit Gabriel na lang.”  “Ah, okay. Gabriel. Huwag na din Misis itawag mo sa akin, Christine na lang.” “Okay, Christine. No problem. May I ask nasaan ang father ni Tristan?” “Ha??? Ah eh…” “Okay lang kung nahirapan kang sagutin. Pasensiya ka na masyado atang personal.”  “Ah, okay lang naman. Hindi lang ako sanay na may nagtatanong sa akin tungkol doon. Wala kasi ang father ni Tristan.”  “What do you mean wala? I’m sorry, did he pass away already? Nasa heaven na ba?” “Ah hindi, hindi. Wala...wala dito. Wala siya.”  “Ah, okay. Nasa abroad ba siya?”  “Naku hindi rin. Ano kasi...yun bang…” “Ah okay...alam ko na. Sumama na ba sa iba?”  “Naku, huwag na lang nating pag-usapan. Pasensiya ka na ha, mahirap kasing ikuwento.” Tumigil na din sa pagtatanong si Gabriel. Naisip niya na siguro ay may ibang pamilya ito at baka sila ang second family kaya mahirap ikuwento. At naintindihan naman niya ito.  Mabilis lang silang nakarating sa lugar nina Christine. Para hindi na mahirapan si Christine ay si Gabriel na din ang nagprisinta na magbuhat kay Tristan.  Pagdating sa loob ng bahay ay pinaderetso na ni Christine sa kuwarto nila si Gabriel para doon na ilapag si Tristan. Habang papunta ng kuwarto si Gabriel ay nagpunta naman ng kusina si Christine para maghanda ng maiinom. Inutusan niya si Jepoy na bumili ng softdrinks.  Sa kuwarto naman, pagkalapag ni Gabriel kay Tristan ay nagising ito. Pagkamulat na pagkamulat ng mata ay ngumiti ito kay Gabriel.  “Thank u po, Tito.” Humawak pa si Tristan sa kamay niya nang sabihin ito. Para namang nakaramdam ng kakaiba si Gabriel sa dibdib niya. Parang may humaplos sa puso niya. Hinawakan niya din sa kamay si Tristan at tinanong ito.  “May masakit ba sa ‘yo?”  “Wala po.” At nakangiti pa din ito at nakakapit pa din sa kamay ni Gabriel.  “Good boy. Ang galing, ah. Strong ka pala.”  “Strong po ako kasi may angel po akong kasama palagi. Pero ngayon ikaw po ang angel ko.”  Parang naluha si Gabriel pagkarinig  sa sinabi ni Tristan. “At bakit naman? Sorry ha...ako nga ang nakabundol sa iyo kanina, eh.”  “Hindi po. Ikaw ang angel ko. Nakita ko nang buhatin mo ako kanina at lumipad po tayo.”  Natawa si Gabriel at naisip na nawalan na ito ng malay pagkabuhat niya. Ang natandaan lang talaga ay siya ang bumuhat sa kanya.  “Well, okay, ako ang angel mo. Magmula ngayon, dahil angel mo na ako, ibibigay ko ang gusto mo. May gusto ka bang kainin?” “Jollibee!” Maagap na sagot nito. Siyang bungad naman ni Christine sa may pinto at nakita pa silang magkahawak kamay.  “Oy, Tristan, nakakahiya. Inabala na nga natin si Sir.” Tumingin nang masama sa kanya si Gabriel. “Ay sorry, si Gabriel pala. Pagpahingahin na natin siya.” Sabay iniabot kay Gabriel ang baso ng softdrinks.  Kinuha naman ito ni Gabriel pero bago uminom ay nagsalita. “Nagugutom na nga ako...ano kaya ang masarap orderin sa Jollibee?”  “Yehey! Chicken joy po.” Tuwang tuwa naman si Tristan. Nilapag ni Gabriel sa kalapit na upuan ang hawak na baso at dinukot ang cellphone mula sa suot coat.  “Isang bucket na chicken joy, spaghetti, burger, sundae…” May pinipindot siya sa cellphone habang sinasabi ito.  “Naku, parang ang dami dami naman ata nun.” Saway ni Christine kay Gabriel.  “Konti lang yun...at gagaling pa agad si Tristan.” Sabay kumindat ito kay Tristan at humagikhik naman ito. Wala nang nagawa si Christine at napapailing na lang sa kalokohan ng dalawa.  “Ate! Andito si Kuya Joseph!” Sigaw ni Jepoy na noon ay nasa salas.  “Sandali, lalabas na ako.” At nagpaalam muna si Christine kina Gabriel at Tristan.  Nang maiwan na ang dalawa, magiliw silang nagkuwentuhan na akala mo ay matagal nang magkakilala.  “Pwede po ba akong sumakay sa car mo?” Tanong ni Tristan.  “Bakit naman hindi? Magpagaling ka agad at isasakay kita sa car ko.”  “Ang ganda po ng car mo.”  “Aha...kaya ka pala nasa bandang likuran at di ko napansin kanina.” “Opo, nakita ko kasing parang car ni batman yung car mo.”  “Sige, isasakay kita sa car ni batman. Favorite mo ba yun?” “Opo, pati sina Spiderman at Superman. Pero siya ang pinaka-favorite ko.”  “Binibilhan ka ba ng daddy mo ng batman toy?” Sinadya iyon ni Gabriel para malaman niya kung alam ba ni Tristan kung nasaan ang daddy nito.  “Ah, wala po kasi ang tatay ko dito. Si nanay lang ang kasama ko at si Tito Jepoy.”  “Ah ganun ba. Nasa malayo ba ang tatay mo?” Ginaya na din niya ang tawag nito na Tatay imbis na Daddy.  “Sabi ni nanay, nasa malayong malayo daw po. Hindi ko pa po siya nakikita.” Parang nalungkot si Tristan at pilit na pinapasaya siya uli ni Gabriel. “No problem kung wala ang tatay, andito naman ang Tito na angel!” Itinaas pa niya ang mga braso niya na nagmuwestrang parang malakas. Tuwang tuwa naman si Tristan sa kanya na nakahawak pa uli sa kamay niya. Niyakap naman siya ni Gabriel. Naramdaman na lang niya na iniyakap din ni Tristan ang maliliit nitong braso sa kanya at nakakapit na hanggang sa magkabilang bewang. Agad na nakaramdam si Gabriel ng pagmamahal mula sa simpleng yakap ni Tristan. Nakangiti siya at hinagod hagod ang ulo ni Tristan.  Sa ganoong ayos sila naabutan ni Christine. Para namang may kumurot sa puso niya nang makita ang dalawa. Naisip niya agad na naghahanap talaga si Tristan ng pagmamahal ng isang ama.  “Gabriel.” Pagkarinig ni Gabriel sa pangalan niya ay agad itong napalingon at nagtama ang tingin nilang dalawa ni Christine. Ilang segundo munang hindi nakapagsalita si Christine bago biglang parang natauhan.  “Ah, Gabriel...andyan na ang food delivery.” Naituloy din ni Christine ang sasabihin niya.  “Ah sige lalabas na ako.” Mabilis na tumayo si Gabriel at nang mapatapat sa pinto ay napahinto saglit at napatitig kay Christine na noon ay nakatayo malapit sa pinto. Napatitig din naman sa kanya si Christine na parang namamagnet ng magagandang mata ni Gabriel.  Si Gabriel naman ay nakaramdam din ng kakaiba na parang gusto niyang yakapin nang mahigpit si Christine at halikan ito sa labi. Pero alam niya na hindi pwede at nakatingin si Tristan. Nang maalala si Tristan ay dalidaling lumabas si Gabriel para magbayad sa food deliveryman.  Si Christine naman ay lumapit kay Tristan at humawak sa kamay nito.  “May masakit ba sa bebe ko?”  “Wala po, nanay. Dahil may pinadala pong angel si papa Jesus sa akin.”  “Huh? Ang bait naman ni Papa Jesus...nandiyan pa ba ang angel sa tabi mo?” Sinakyan naman ni Christine ang sinabi ng anak. Sakto at papasok na uli ng kuwarto si Gabriel.  “Ayan po, si Tito Angel ko, nanay!” Itinuro nito si Gabriel na nakatayo sa may pintuan.  “Naku...ikaw talaga. Akala ko pa naman may angel na talaga.”  “Bakit, hindi ba ako mukhang angel sa iyo?” Nakalapit na pala sa tabi niya si Gabriel at gulat na gulat si Christine na napalingon. Parang nahihigop siya ng mainit na katawan ni Gabriel.  “Ha? Ah...hindi naman sa ganun. Binibiro ko lang si Tristan.”  “Okay...kain na tayo! Nasa lamesa na ang Jollibee!” Sabay lumapit kay Tristan at kinarga ito. Umangkla naman agad ang mga paa ni Tristan sa balakang ni Gabriel.  Mabilis na nabusog si Tristan at pinapasok na ni Christine kay Jepoy sa loob ng kuwarto. Naiwan sila ni Gabriel sa may lamesa.  “Nakakatuwa naman ang anak mo, napaka-bibo.”  “Ah, oo nga eh. Kung magsalita yan akala mo matanda pa siya sa kausap niya.” Natawa sila pagkasabi ni Christine nito.  “Kung nasaan man ang tatay niya, magsisisi yun kapag nalaman niya na napakabibo at guwapo ng batang iniwanan niya.” Dahil sa pag-aakala ni Gabriel ay inabandona sila ng ama ni Tristan. Hindi na kumibo si Christine.  Tumayo si Christine at nagsimulang magligpit.  “Tulungan na kita.” Alok ni Gabriel at nagkadikit ang katawan nila nang mapatayo pareho sa may lababo.  “Hindi na, maupo ka na lang kaya ko na to.” Parang nanginig naman ang boses ni Christine. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niyang tensyon. Kinuha ni Gabriel ang hawak nitong plato at inilapag sa lababo sabay hinawakan si Christine sa magkabilang balikat. Iniangat niya nang marahan ang baba ni Christine at hinalikan ito sa mga labi. Napapikit si Christine at naramdaman na lang niya na bahagya nang naibuka ni Gabriel ang bibig niya at naglalaro na ang dila nito sa loob ng bibig niya. Napaungol si Christine at parang nanlambot sa pagkakatayo. Mabilis namang umalalay ang kamay ni Gabriel sa likod niya at inalalayan siyang huwag tumumba. Ramdam na ramdam ni Gabriel ang reaksyon ng katawan ni Christine sa bawat halik niya at sa bawat hawak niya dito. At gustong gusto ni Gabriel ang pakiramdam na iyon. Kakaiba iyon kumpara sa nararamdaman niya kina Leslie, Lorraine, at kahit sa fiancee niya na si Pauline.  Lumabas ng kuwarto si Jepoy at mabilis na nagbitaw ang dalawa.  “Ah, salamat sa pagkain...salamat sa hospital kanina...salamat din sa paghahatid ha...pwede ka nang umuwi.” Natatarantang nagsalita si Christine pagkakita kay Jepoy. Naramdaman naman iyon ni Gabriel at natatawa itong nagpaalam na.  “Sige, mauna na ako, Christine.” At tinitigan niya ito nang seryoso sa mga mata nito. “Babalikan kita.”  Hindi na pinahalata ni Christine na kinilig siya sa sinabi ni Gabriel. Tumango na lang siya at kumaway sa patalikod nang si Gabriel.  KINABUKASAN AY ARAW NG SABADO. Tunog ng doorbell ang gumising kay Gabriel. Pupungas pungas pa siyang tumayo at sinilip sa monitor ang early guest niya. Nakita niya na si Pauline ito, ang kanyang fiancee sa papel. Alam naman nila pareho na purely business lang ang arrangement nila ni Pauline. Malaya silang makipag-date kahit kanino, pero kapag sila ang magkasama, sila ang magka-date.  Pagkabukas ng pinto ay mabilis na pumasok si Pauline.  “Hay, sabi ko na nga ba tulog ka pa, eh. It’s 10:00 am. Go take a shower at lalabas tayo.”  “Where to?”  “Nakalimutan mo na ba? May appointment tayo ngayon sa caterer para sa wedding natin.”  “Oh, that. Ang sakit ng ulo ko. Pwede bang ikaw na lang muna?”  “Come on...sige na magbihis ka na. Hindi pwedeng wala ka, mahahalata ka ni mommy na hindi ka interesado sa kasal. Magwawala yun, pati mana ko maapektuhan.”  “Masakit talaga ang ulo ko.”  Mabilis na lumapit si Pauline sa kanya at lumuhod sa harap niya. Sa isang iglap ay naibaba nito ang suot niyang boxer briefs at lumuwa ang sandata niyang nakatayo dahil sa morning erection. Pagkahawak ni Pauline dito ay isinubo niya agad ito nang buong buo at napa-igtad naman si Gabriel. Nakaramdam din siya ng sarap at napahawak sa ulo ni Pauline. Tinulungan niya itong magtaas at baba ng ulo sa ritmong gusto niya.  Habang may nakasubo sa bibig ay nagsalita pa si Pauline. "Dito mawawala ang sakit ng ulo mo."  Pagkatapos ay puro tunog na ng laway at bibig ni Pauline ang maririnig. Nang pakiramdam ni Gabriel ay malapit na siya sa sukdulan, bigla namang tumayo si Pauline at hinatak si Gabriel sa kama. Itinulak niya ito at napahiga. Naghubad si Pauline ng lahat ng kasuotan niya at pagkatapos ay sumakay na parang cowboy kay Gabiel.  “Ang sarap shit....bilisan mo pa, Pauline, come on.” Gigil na gigil si Gabriel na halos nakalabas na ang mga ugat sa noo. Hawak na din niya sa balakang si Pauline at tinutulungan ito sa pag-angat at pagbaba ng katawan.  Binilisan naman ni Pauline ang paggalaw niya at minsan ay gumigiling pa ang balakang sa ibabaw ni Gabriel. Nakaliyad ito at nakahawak ang mga kamay sa bandang tuhod ni Gabriel. Sarap na sarap na ito sa ginagawa niya at halos napapasigaw na sa sobrang sarap. Si Gabriel naman ay napapikit at inaabangan na ang napipintong pagsabog. Sa pagpikit niya ay mukha ni Christine ang nakita niya.  Parang lalong ginanahan si Gabriel. Naimagine niya na mukha ni Christine ang tinititigan niya. Umaalon ang malulusog na dibdib nito sa harapan niya. Nakatingala ito sa kisame habang parang nangangabayo na umaangat at bumababa ang balakang at bumabaon nang husto ang sandata niya sa madulas nitong p********e. Napapakagat pa ng labi si Christine na sa tingin ni Gabriel ay sarap na sarap na din at malapit na ding makarating sa sukdulan.  “Ayan na, ayan naaaa...I’m coming, I’m coming. Please c*m with me, Christine..pleeease.” Napakahaba ng pag-ungol ni Gabriel at agad namang lumuhod si Pauline at sinubo ang sandata ni Gabriel. Sarap na sarap itong sinalo ang lahat ng katas na lumalabas kay Gabriel habang nilalaro naman niya ng daliri ang sarili niya at nakaraos na ding sabay kay Gabriel.  Habang nakahiga sila sa kama ay unang nagsalita si Pauline.  “Bago yung Christine, ah. Parang wala akong kilalang Christine sa mga pinaglalaruan mong babae.”  “Ha? Christine ba ang sinabi ko?”  “Oo naman, malinaw na malinaw.”  “Hindi ko naman matandaan.” Nag-deny pa si Gabriel.  “Tsaka nakalimutan mo na namang mag-condom. Mabuti na lang at nakapag-control pa ako.”  “Sorry...nawala lang sa loob ko.” Alibi naman ni Gabriel na ang totoo ay pakiramdam niya kanina ay si Christine iyon at wala siyang balak na gumamit ng condom kung para kay  Christine. Mas gusto niya na damahin nang buong buo ang init ni Christine. At wala siyang pakialam kung magkaroon man ng kapatid si Tristan.  Biglang napabalikwas si Gabriel nang maalala si Tristan. Mabilis na nagpunta sa shower.  “Oh bakit nagmamadali ka? Aalis na ba tayo? Nawala na ang sakit ng ulo mo ano?” Tukso pa ni Pauline sa kanya.  “Pauline, mauna ka na muna. May lakad pala ako.”  “Ha? Akala ko ba tutuloy na tayo sa caterer?” “Hindi ako pwede. Importante ang lakad ko.” Nagsasabon na siya nang mabilis habang kausap si Pauline. Hindi talaga nagsasara ng bathroom si Gabriel.  “Okay, if you say so. Wala naman akong magagawa. Call me, okay?”  “Okay. Bye. Ingat ka.”  Nang makaalis si Pauline ay mabilis na nagbihis si Gabriel ng casual na jeans and sweatshirt. Tinignan niya pa sa salamin ang itsura niya na parang noon lang nangyari na napaka-conscious niya sa suot niya.  Hmmm...okay lang kaya ‘tong suot ko? Hindi kaya overdressed para sa lugar nina Christine? Umikot ikot pa ito bago nakumbinsi ang sarili na okay na ang suot niya.  Bago pumunta kina Christine ay dumaan pa ito sa isang toy store at bumili ng Batman na action figure. Dumaan din siya sa Golden Ribbon Bakeshop at bumili ng cake.  Pagdating na pagdating niya sa bahay nina Christine ay tuwang tuwa siya dahil sinalubong agad siya ni Tristan at agad na yumakap sa kanya. Nakapulupot sa leeg niya ang maliit nitong mga braso.  “Tito Angel! Yehey, andito ang tito ko na angel!” Excited si Tristan. Lalo na nang iabot ni Gabriel ang dalang laruan. Hindi matigil si Tristan sa pagtalon talon. Hinatak nito ang kamay niya at inayang pumasok.  “Nanay! Andito po si Tito Angel!” Sigaw nito sa nanay niyang si Christine.  Kasalukuyang nasa dining table sina Christine at Joseph. Seryoso silang nag-uusap at parehong may tasa ng kape sa harapan nila. Dumiretso ang tingin ni Gabriel sa mukha ni Christine na gulat na gulat pagkakita sa kanya. Ang katabi naman nitong lalaki ay napatingin lang sa kanya at sa tingin ni Gabriel ay close ito kay Christine dahil sa pagkakaupo nila sa dalawang silya na magkadikit. Parang nalungkot naman si Gabriel sa nakita niya pero hindi niya ito pinahalata.  “Hi! Pasensiya na sa istorbo. Dinadalaw ko lang si Tristan.” At hinawakan niya si Tristan sa kamay nito na noon ay nakatayo sa tabi niya. “Eto nga pala, pasalubong ko.” Iniabot naman niya ang cake kayJepoy na noon ay nakatayo na din malapit sa kanya. Pagkatapos ay bumaling na siya kay Tristan.  “Tara, let’s play with Batman!” Kinarga niya si Tristan at naupo na sila sa may sofa. Hindi na niya nilingon sina Christine at si Christine naman ay panay ang sulyap sa kanya habang kausap pa din si Joseph. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD