Masayang naglalaro sa dalampasigan sina Christine, Jepoy, at Tristan, habang si Gabriel naman ay nakaupo sa may buhanginan at tinatanaw lang sila. Masayang masaya ang pakiramdam ni Gabriel. Parang wala na siyang mahihiling pa. Ang iniisip na lang niya ngayon ay kung paano ipapa-cancel ang engagement with Pauline na sa tingin naman niya ay minor problem lang. Napatitig siya sa napakagandang katawan ni Christine na kasalukuyang tumatakbo at nakikipaghabulan sa mga bata. Ang sarap ni Christine sa kama, grabe. Yung naramdaman kong sarap kanina, ganoong ganoon din ang sarap na naramdaman ko five years ago dun sa misteryosong babae sa alumni event. Kung nasaan man ang babaeng iyon, sana ay maligaya siya katulad ko ngayon na sa wakas ay natagpuan ko na din ang tunay na kaligayahan ko. Pagkatapos