Isang buwan na ang nakalipas mula nang maganap ang convention sa Baguio. Hindi na inungkat ni Christine kay Gabriel ang tungkol sa nakita niya. Tuloy lang ang normal na buhay sa araw araw. Papasok si Christine sa trabaho kapag tapos na niyang asikasuhin ang mga bata. Magmamadali siyang mag-asikaso ng sarili at iiwasang makausap si Gabriel. Ganoon din sa pag-uwi. Agad siyang matutulog at kapag kakausapin siya ni Gabriel ay sasabihin niyang pagod siya. Lumipas ang anim na buwan at napalago ng grupo nina Christine ang sales ng South region. Halos habulin na nila ang sales contribution ng Binondo branch nina Valerie. Nanatili pa din kasi silang nasa taas dahil malakas ang International office nila. Iyon naman ang naging sunod na goal ni Christine, na mapasok din nila ang international market.