Chapter Three
Kapag oras ng trabaho ay pailan-ilan lang ang mga sumusulpot na customer. Kaya chill na chill lang ako. Saka lang dumami ang gawain pagpatak ng 10 am dahil oras na ng pagluluto at paghahanda para sa lunch ng mga trabahador dito sa site. Base pa naman sa observation ko ay mas marami kaming customer kaysa sa ibang mga canteen na nakapaligid.
Iyong marami raw rito kasi ay customer na ni nanay sa dating site. Kaya kilala na si nanay ng mga trabahador.
Lunch. Buhos ang mga customer. Pabilisan ang kilos.
Pero siyempre hindi ko pa rin nakalimutan na spot-an ang lalaking nakakuha ng pansin ko.
"Isang tinola at dalawang kanin." Tipid na ani nito kay Cress. Parang automatic naman ang pag-ikot ni Cress patungo sa pwesto ko at pag-ikot ko patungo sa pwesto niya.
"Drinks mo, love?" tanong ko rito. Hindi ito sumagot. "Anong drinks mo, Abelardo?"
"Water lang." Arte! Ayaw magpatawag ng love. Agad kong inihanda ang order nito. Inabot niya ang bayad na agad kong tinanggap. Mabilis ko ring sinuklian ito bago ko iniabot ang tray na may lamang order niya. Saka ko nilagyan ng isang saging.
"One banana a day keeps the doctor away. Libre na iyan." Sabay kindat ko rito.
"Tsk. It's apple, Odessa. Not banana." Napasapo ako sa dibdib ko. s**t! s**t! Tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi lang ang dibdib ko ang kumabog, kinilig din ang mani ko.
Nakaalis na ito sa harap ko pero para pa rin akong nangangarap na gising.
Nahuli tuloy ako ni nanay kaya nakurot ako sa tagiliran.
"Kalandian!" ani nito sa akin. Hindi naman ako na offend sa salitang sinabi nito. Tinawanan ko lang ito. Baka kapag maghasik na ako nang 'kalandian' ay hindi nito kayanin. Baka isumpa ako nito.
"Nanay, chill ka lang."
"Ayusin mo, Odessa! Baka matahi ko iyang k**i mo." Banta nito sa akin.
"Saka na kapag natikman ko na siya." Naipalo tuloy nito sa akin ang sitaw na hawak niya.
"Doon ka sa kusina. Maghugas ka ng plato."
"Nay!" reklamo ko agad dito.
"Kilos, Odessa!" napakamot ako sa ulo na sumulyap pa kay Abelardo. Nakatingin pala ito sa pwesto ko. Agad akong kumindat dito, sabay pa-cute. Minsan lang itong tumingin. Grab the opportunity.
"Sobrang gwapo, nay! Claim it... magiging son-in-law mo iyan." Isang hataw pa ng sitaw at napatakbo na ako sa kusina para sundin ang utos ng ina.
Isang oras ako roon. Paglabas ko'y wala na si Abelardo. Mamayang hapon ko na naman siguro ulit ito masisilayan. Pero masaklap kung hindi ko na ito makita sa hapon.
Breaktime.
Sila nanay ang abala sa pagbebenta ng merienda at yosi. Ako naman ay nakatambay lang sa isang mesa. Inaantok.
Nakayukyok ako roon, umangat lang no'ng may humila ng upuan na bakante.
Nang nag-angat ako ng tingin ay kinailangan ko pang kusutin ang mata ko para lang matiyak na hindi joke ang imaheng nakikita ko.
"Abelardo... totoo ka?" tinignan lang ako nito. Saka siya nagsimulang kumain nang binili niyang merienda. "Pwede ka bang maging textmate?" huminto ito sa paghahalo ng pasta niya saka sumulyap sa akin. "Pansin ko na tamad kang magsalita at kausapin ako... baka masipag kang mag-text or chat. Hingiin ko ang number mo."
"No."
"Bawal? May magagalit ba?" nagpatuloy ito sa pagkain. Napabuntonghininga naman ako. Bakit naman sa tamad pang magsalita ako nagka-crush. "Abelardo, crush kita." Nag-slow motion ang pagnguya nito. Parang in-analyze pa ang sinabi ko. Akala ko magkokomento ito pero nagpatuloy lang ito sa pagkain.
Maraming tao rito sa canteen. Lahat ng mesa ay ukupado. Kaya siguro ito rito naupo sa pwesto ko. "Number mo na dali. Bigay mo sa akin." Pangungulit ko rito. Pero hindi effective rito ang kakulitan kong iyon.
Nang natapos itong kumain ay nagmadali ito sa pagtayo. Hindi man lang ibinigay ang number niya. Nakita ko pa itong lumapit kay Cress. May bibilhin pa yata ang lalaki. Mayamaya pa'y napaayos ako nang upo no'ng nakita kong iniabot ni Cress iyong sulatan ng number kapag may nagpapa-load.
Shit! Pagkakataon na iyon. Pagkatapos isulat ni Abelardo iyon ay agad kinuha ni Cress at tumipa sa de keypad na cellphone.
"Done na po." Tumango lang si Abelardo at dali-dali na itong nagbayad at umalis. Halos matisod naman ako makapasok lang ng tindahan at agawin kay Cress ang notebook.
"Number niya ito, Cress?" excited na bulong ko sa babae.
"Hindi ko po alam, ate. Nagpa-load lang po siya ng regular 100." Tugon naman nito. For sure number niya ito. Dali-dali kong in-save sa cellphone. Bawat pindot ng numero... may kilig. "Si Ate Odessa parang teenager kung kiligin." Komento nito sa akin. Pero ngumisi lang ako saka ko in-save ang number.
"My future asawa." Pagkatapos kong i-save iyon ay sunod kong ginawa ang paghuhugas ng plato. Binilisan ko talaga para maaga akong makaalis sa canteen at maabangan ito sa gate.
Nagpunas ako ng kamay sa basahan nakasabit no'ng natapos na ako.
"Tapos na, 'nak?" tanong ni nanay na sumilip sa akin.
"Opo, nanay." Excited namang sagot ko rito.
"Mabuti... ito pa." Slow motion ang pagsunod ko ng tingin sa ipinapasok nitong mga hugasan. "Pagkatapos niyan ay pwede ka nang umuwi."
"Nanay!" mahinang ani ko sa tonong nagrereklamo.
"Kilos." Ano pang silbi na tinuyo ko na ang kamay ko? Pero kumilos pa rin ako. Nagmadali na lang ako dahil malapit na ang labasan ng mga trabahador.
Natapos ko agad. Daig ko pa si The flash sa bilis ng kilos ko. Hinubad ko na rin ang apron ko at initsa na lang basta sa kung saan. Kinuha ko na rin ang bag ko. Magpapasok pa sana si nanay ng hugasan pero kumaripas na ako nang takbo. Hindi na napigilan nang pagtawag nito sa pangalan ko.
Pagdating sa gate ay gumilid lang muna ako.
Me: Hi, Abelardo. Ako ito... ang future wife mo. I-save mo ang itong number ko sa phone mo.
Me: Nandito ako sa gate 2. Wait kita rito. At least man lang sabay tayong labasan.
Me: I mean sanay tayong lalabas ng gate na ito.
My future asawa: Who are you?
Me: Si Odessa ito... ang nagmamahal sa 'yo.
Natatawa na lang ako sa mga banat ko. Sana lang ay effective. Kaso hindi na nag-reply.
Patingin-tingin ako sa mga dumaraan.
Hoping na sa dami nila ay makita ko pa si Abelardo.
Saktong napadaan naman ito. Ang tingin nito ay nasa gate lang. Kaya hindi ako nito napansin. Agad kong ikinawit ang braso ko sa braso niya at sumabay ako sa paglabas dito.
Nang nakaalis kami sa siksikan ay agad niyang inalis ang braso kong nakasabit sa kanya.
Akmang iiwan na ako pero siyempre hindi ako pumayag na gano'n na lang iyon.
"Uuwi ka na? Maaga pa... pasyal naman muna tayo."
"Miss, walang reason para pumasyal tayo---"
"Meron! Need natin ng quality time para ma-build ang relasyon natin."
"W-hat? You're so unbelievable, miss. Ang tindi mo mag-ilusyon."
"Abelardo, kahit ano pang sabihin mo ay ako na ang magdesisyon. Ikaw ang mapapangasawa ko... ako ang magiging maybahay mo."
"I'm not interested. Hindi ikaw ang tipo ko, miss."
"Odessa. Tinawag mo na nga ako kanina sa pangalan ko tapos ngayon ay miss ka na naman ng miss. Bakit hindi mo na lang sabihin na nami-miss mo ako?"
"Excuse me?" ani nito.
"Sige na, Abelardo. Ligawan mo na ako."
"What the hell?" parang gusto na ako nitong batukan.
"All my life ay tahimik lang ako at sinasarili ang mga bagay-bagay. Ngayon lang ako naging vocal ng ganito. Crush kita, Abelardo." Namula ang pisngi ni Abelardo. Napahawak ito sa batok niya na parang sumakit dahil sa stress niya sa akin.
"Odessa, wala ka bang hiya?"
"Wala." Tugon ko naman dito. Hiya check? Wala talaga akong nararamdaman na hiya.
Napabuntonghininga ang lalaki.
"Leave me alone." Sabay talikod nito kaya agad akong humawak sa damit niya para pigilan siya.
"Alam kong nahihiya ka lang... kaya ako na ang kikilos para sa future love life nating dalawa. Liligawan kita, Abelardo." Buo ang kumpiyansang ani ko. Hinila nito ang shirt niya pero hindi ko binitiwan. Nang lumakad siya ay lumakad na rin ako. Nang nakarating siya sa isang motor at sumakay kahit hawak ko pa ang shirt niya, sumakay rin ako.
"Tangina! Sumasakit ang ulo ko sa 'yo, Odessa. Lubayan mo ako." Stress na ani ng lalaki. Pero imbes na lubayan ko siya ay yumakap pa ako sa kanya.
"Saan mo ako dadalhin, Abelardo? Huwag muna tayong mag-check in. Hindi pa ako handa. Saka na kapag nakapag-shave na ako." Bulong ko rito. Dikit na dikit ang dibdib ko sa matigas nitong likod. Sa pagkakayakap ko rito ay nakapa ko pa ang abs nito. Batuhan ang katawan... sarap.
"Anong klaseng pagsubok ito?" stress na ani niya na sinubukan alisin ang nakayakap kong braso sa bewang niya.
"Hindi ko alam iyang sinasabi mong pagsubok... ang alam ko lang ay pagsubo."
"f**k!" ani ng stress na lalaki.