Chapter 16 Kinabukasan, nag-aabang na naman ako ng jeep sa tapat ng school. Paano, nautusan na naman ako ni Dean na magdala ng documents sa mansion ng mga Worsford. Gusto ko sanang tumanggi dahil hindi ko naman talaga trabaho ito pero nakahiyaan ko na rin. At tutal naman daw ay alam ko na rin kung paano pumunta doon kaya ako na nga lang ang nautusan nya. Nang makarating ako sa mansion, nakilala agad ako ni Butler Tom. Ang balak ko sana e umalis na agad pagkatapos iabot yung envelope, kaso nag-insist pa s’ya na tatawagin lang daw saglit ang amo n’ya at dun ko na lang din daw ibigay yung dala ko since si Frank naman daw ang anak ni Mr. Worsford at mukhang magkaibigan naman daw kami. Like hello? Magkaibigan? Over my dead body Butler Tom! Pero dahil may biglang nag-click sa utak ko