Chapter 14 Tatlong oras na rin akong nandito sa office at tinatapos ang annual budget report na ipapasa ng student body sa Accounting Office ng school. Medyo masakit na rin ang likod ko dahil 7 am pa lang ay nandito na ako pero kailangan ko pa itong tapusin. Kailangan ko pa rin kasing mag-set ng meeting with my co-officers since every August of each year, ay may acquaintance party na kailangang i-organize namin together with the minor organizations. Kailangan din na this early ay makahanap na rin kami ng mga volunteers from the fourth year students to conduct free review sessions as preparation for the exams. Hindi naman ganun kahalaga iyon nga’yon, pero ayaw ko kasi na nagka-cram kaya ngayon pa lang ay kino-commit ko na kung sino man ang mga handang mag-volunteer. I was ready