Chapter 59 (Play the song: Still Believe in Love) Pagkapasok pa lang namin ng hall, iba na agad ang ambiance na sumalubong samin, isang love song ang pinatutugtog kaya naman dahil don, napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Frank. Ayaw ko syang mawalay kahit saglit sa tabi ko. Ang dami-dami naming nakakasalubong, at karamihan sa mga babaeng madadaanan namin ay parang nai-star struck sa kanya. Hindi na ako magtataka, ang gwapo naman kasi talaga nya. Pero ano’ng gagawin ko? Hindi ko naman mapipigilan yung iba dyan na wag tumingin sa kanya. Naramdaman ko ang pagpisil ni Frank sa kamay ko. "Relax baby, don't mind them." bulong ni Frank sa tenga ko saka nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakarating kami sa table kung saan naroroon na rin sila Mel, Garett, Charlie at... Kuya T