Chapter 42 Tiningnan ko ng masama si Frank at s’ya naman ay ngiting-ngiti lang sa akin. Gusto ko sana silang sagutin ngayon pero baka mawala ang konsentrasyon ko sa laro, kaya kahit na grabe sila kung makapigil ay tinalikuran ko na sila matapos ang mabilis na pagpapaalam. Sumunod naman si Frank sa akin. “Why didn’t you tell them that we’re together?” Tanong n’ya ng naabutan ako. Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa kanya. Together? “Anong together?” Paguulit ko dahil hindi ko maintindihan. At hindi rin ako yung tipong assumera. Nag-pout s’ya at saka umiwas ng tingin. “Nothing.” Sabi n’ya sabay hawak sa kamay ko. “Let’s go. Game’s about to start.” Hinila n’ya ako sa gilid ng court kung saan ko nilagay ang mga gamit ko. Apat ang gagamit