Chapter 45 “Uy, nandito na yung dalawang star player oh!” Narinig kong sigaw ng isang estudyante dito sa loob ng gym. Pagkatapos naming maglunch ni Charlie ay dito na agad kami dumiretso sa gym kung saan gaganapin ang badminton – singles match. Marami-raming players na ang nandito pero ang pinakaaabangan ng lahat ng tao ay ang dalawa – si Frank at Zac. Imposibleng hindi maagaw ang pansin ng mga tao ng dalawang ito dahil sa tangkad nila. Si Frank ay nasa 6’2 at si Zac naman ay 6’. Hamak na mas matangkad sila kaysa sa mga kalaban. Nagmamasid pa ako nang pumaibabaw ang pito sa buong gym hudyat na magsisimula na ang laro. Nakiisa kami ni Charlie sa mga nanonood. Pero hindi katulad nila ay pinili kong mas maging tahimik. Gusto kong malaman ang maglalaban sa finals. At na