Chapter 47 Nag-walk out si Zac sa akin pero hindi ko malaman kung hahabulin ko s’ya o hindi. Gusto kong mag-sorry kasi s’ya naman talaga ang dapat na i-cheer ko, pero kasi naman… papano ko s’ya susundan e magsa-shower pa sya! Alangan namang sumunod ako dun sa loon ng shower area, diba? Naghintay naang ako hanggang sa makalabas sya. Pero nang lalapitan ko na ay may lumapit naman sa kanya... Si Ma'am Ashley. Sandali. Magkakilala ba sila? "Ay, diba s’ya yung nurse sa clinic?" nasundan din pala ng tingin ni Charlie ang tinitingnan ko. "Oo, si Ma'am Ashley." "Hmm, bakit parang close sila, ‘te?" "Hindi ko alam." "Naku! Feeling ko haliparot yang babaeng yan." Tumingin ako kay Charlie sa pagaakalang nagbibiro s’ya, pero nang titigin ko ang mukha n’ya. Seryoso s’ya.