Chapter 32 Pagkatapos ng gabing iyon ay iniwasan ko na si Frank. Hindi na ako nag-reply sa mga texts nya, hindi ko sinasagot ang mga tawag nya, at kung pwede lang ay hindi na rin ako magpapakita sa kanya, kaso hindi nga pwede dahil magkaklase kami tuwing Tuesday and Thursday. Pero kahit na nga magkasama kami sa iisang room ay hindi ko pa rin s’ya tinitingnan though I was fully aware that he’s been constantly staring at me the whole time. I was full of shame. And yes, I was a coward. Pero hindi ko kayang makiharap sa kanya pagkatapos ng nangyari. I initiated the kiss and for Pete’s sake we almost did it! Nasaan na ang hiya at delikadesa ko dun? Ni hindi kami pero grabe na lang kung maghalikan kami. Sobrang hiyang hiya ako sa kanya, but more than that ay hiyang hiya ako sa sa