Chapter 23 Matapos ng mainit na halikan namin ni Frank at ng paulit-ulit na paghingi n’ya ng tawad sa akin ay nag-voluteer syang ihatid ako sa bahay. Ayoko sana dahil nahihiya ako at hindi naman ako sanay na may naghahatid sa akin bukod sa mga kaibigan ko. Pero dahil sa sobrang kulit ay wala na rin akong nagawa lalo na ng kinuha n’ya ang mga gamit ko na nakaayos na sa table pati na rin ang bag ko saka iginiya ako palabas ng pinto hanggang sa parking lot. Pinagbuksan n’ya muna ako ng pinto para makasakay sa passenger seat at inilagay naman ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan before he jogged to the driver’s seat. Sobrang kinakabahan ako lalo na ng tumingin s’ya sa akin at hawakan ang mga kamay ko na nakapatong sa lap ko at marahan iyong pisilin. "Steph, relax." He said softly