Chapter 29 Nakaupo na lang ako sa tabi habang si Garett naman ay patuloy pa rin na pinagmamasdan ako habang nakasandal s’ya sa pader. Magkatapat kami pero medyo magkalayo ang distansya. Humupa na rin ang emosyon ni Garett at tahimik na lang s’ya ngayon. Alam kong nagiisip s’ya and he still needed more time to think. Lalo na sa sinabi ko tungkol sa kanila ni Mel. I really hoped he would give them a chance. Because they both deserve to be happy. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Mel na pumunta dito. Ilang minutong katahimikan din ang dumaan nang magsalita si Garett. “Steph, papano kung hindi ko magawang mahalin si Mel?” He asked and I chuckled. “Eh paano kung magawa mo?” I asked back and he frowned. “Papano nga?” “Edi pilitin mo pa.” “Eh papano