Special Chapter 4 months later... MALAKI ang tiyan, hindi naka-uniform. Iyon ang itsura ni Desire nang lumabas sa classroom, kasabay ang pambansang best friend na si Devi. Nasa ika-limang buwan na siya ng pagbubuntis ngayon. Tapos na halos ang paghihirap tuwing gumigising siya sa umaga ara magsuka. Sumusuka pa rin siya pero hindi tulad ng dati. Noon, ang katawan niya ay mala Jessy Mendiola, noong binabansagan pa iyon na, 'chubby is the new sexy', pero ngayon ay pumayat si Desire. Nabaliktad na ang takbo ng buhay niya. Apat na buwan na lang ay lalabas na ang kanyang little Midnight. The ultrasound last month showed the gender of the baby. Napakaaga para makita pero hindi rin naman imposible. Wala pang nakakaalam no'n, siya pa lang. Ang litrato ng ultrasound ay ipinakita niya kay Midnigh