Chapter 49 TALAGANG hindi pinagbuksan ni Desire si Midnight ng pintuan nang araw na ihatid nito ang kotse niya sa bahay. She didn't care if she'd ride in a taxi to go to the hospital. Pabalik-balik iyon noong mga nagdaan na araw pero kahapon ay hindi dumating. Kanina ay nasa labas iyon ng bahay niya pero may tumawag sa smartphone kaya biglang umalis. And he still didn't leave her key. At ngayon nga ay nakarating siya sa ospital sakay ng cab. Bumaba siya sa taxi matapos na mamahinga ng isang araw sa bahay. Kahapon lang ay sinadya siya ni Mason na puntahan para sabihin sa kanya na nahuli na kaagad ang taong gumawa ng bagay na iyon sa cadaver room. Ang sabi ng doktor ay matindi raw ang galit ng lalaki sa taong nakabangga sa anak no'n kaya nang mamatay ang binatilyo ay sa isang dati ng bang