“May lakad ka?” tanong niya sa akin, matapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa. “You are here again?” Tanong ko rin sa kaniya. Nakapagtataka lang dahil masyado pang maaga para dalawin ako. Matagal na rin akong may napapansin sa lalaking 'to. Bawat gising ko sa umaga ay palagi ko siyang nasisilayan dito sa bahay. Kahit umuuwi siya ng madalas sa kanila, hindi niya nakakalimutan na dalawin ako sa araw-araw. Dati naman ay saka lang nito naiisipan na puntahan ako kapag kailan niya gusto. Ngayon naman ay inaraw-araw na nito ang pagdalaw sa akin. Ayaw kong mag-assume pero para bang pinapakita at pinaparamdam niya sa akin na hindi kompleto ang araw niya kapag hindi niya ako nakikita at nakakasama. He walks like a handsome model. Hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ko. Da