Chapter Sixty Maingat kong hiniwa ang chicken... no'ng una'y mabagal lang talaga para sana ipakita rito kung gaano kalambot ang manok. Pero hindi iyon nahiwa. Diniinan ko, saka lang nahiwa. Pero kahit may kaunting sarsa ang ulan ay hindi naitago ang katotohanan na matigas pa rin iyon. "I'll eat it. Hiwa-hiwain mo na, baby. Tapos ako na ang magsusubo sa sarili ko." Medyo napahiya ako roon sa part na matigas ang karne. Pero ginawa ko pa rin ang sinabi nito. For sure sa lasa babawi. Pagkatapos kong hiwain ay ibinigay ko na rito ang kutsara. Pagkain ko naman ang inasikaso ko. Pagkaupo ko'y pinanood ko kung paano sumubo si Anshil. Todo nguya pa ang loko pero unti-unting bumagal iyon. Tapos hirap na hirap pa itong lumunok. "H-indi masarap?" tanong ko rito. Unti-unti nang bumagsak ang hope