Chapter Forty-five Ilang araw na masama ang pakiramdam ko. Halos nasa kwarto lang kami ni Anshil dahil ang loko ay hindi talaga ako iniwan. May mga kasambahay na rito sa mansion. Sila ang tumutulong sa amin dito sa bahay... lalo na sa dalawang pusa namin ni Anshil. Ngayon ay narito ako sa garden. Nagpapaaraw. Si Anshil ay nasa office n'ya rito sa mansion. Busy. Naka-leave man ito ng ilang linggo dahil sa katatapos na kasal ay may mga kailangan pa rin itong gawin na related sa trabaho nito. Sumampa sa akin si Lost-lost. Agad ko namang hinawakan ang pusa ngunit umakma ito na kakagat sa akin. "Aba'y ayos ka! Gusto mo magpakandong pero ayaw mong magpalambing sa akin? Ang galing mo rin ha!" reklamo ko rito pero mas prenteng humiga lang ang pusa sa hita ko. Nang si Betlog na Ang lumapit ay