Chapter Twenty-nine "Lintik ka, Betlog! Paano kung mabuntis mo iyon, saan tayo kukuha ng child support doon?" "Child?" ani ni Anshil. "Cat support pala!" agad kong pagtatama. Tinignan lang naman ako ng pusa. Ilang segundo tapos nilayasan na niya ako. Pagkatapos mambembang ng tambay na pusa sa kanto, parang walang nangyari na nagpakarga ito kay Anshil. Hindi na nahiya. Hindi ko akalain na magiging sakit ng ulo ko ang pasaway na ito. "Milanie, relax," ani ng lalaki na kanina pa naman talaga ako inaawat. Pero mainit kasi ang ulo ko. Pagkatapos kong nag-panic ay nakita ko lang ang lintik na may binebembang na itim na pusa. "Nakakainis!" asik ko. "Naiinis ka ba dahil nag-panic ka kanina sa pagkawala ni Betlog? Oh, naiinis ka dahil siya may s*x life tapos ikaw wala?" nangingiting na ito.