Chapter Twenty-seven Galak na galak ako habang lumalangoy. Si Anshil naman ay iniayos pa ang mga dinalang pagkain na ipinatong nito sa blanket. Nang tapos na siya ay agad na ring lumusong at nilapitan ako. Relax na relax ang expression ng mukha habang pinagmamasdan ako. Payapang-payapa ang lalaki, parang hindi tama iyon. Parang hindi ako palagay. Guluhin ko kaya? Inilubog ko ang sarili ko. Lumangoy sa mas malalim pa. Nag-stay ng ilang segundo sa ilalim. Nang may humawak sa bewang ko at hinila ako paangat ay hinayaan ko naman. "Damn you! Ang tagal mo sa ilalim!" aba'y gano'n lang kadali na sirain ang kapayapaan ng lalaki. Salubong ang kilay, masama ang titig, tapos parang gusto na akong sapukin. Nag-alala siya, obviously. Pero gwapo pa rin, mukha pa ring masarap. Matamis lang ang ngiti