Chapter Forty-two Araw ng kasal. Hindi ko alam kung bakit parang na triple ang bodyguard ko. Nandito na ako sa sasakyan, nasa labas ng munisipyo. Kasama ko si mommy at si Andra. Si dad ay nasa loob na. Nagtataka talaga ako kaya hindi ko na napigilan pang magtanong sa kanila. "Bakit ang daming bodyguard? May mga pulis pang nakakalat, mommy. What is going on? Possible bang may masamang mangyari ngayon?" gulong-gulo na tanong ko. "Huwag kang mag-alala. For security lang naman iyan. Walang mangyayaring kaguluhan. Baka nga ipinalagay iyan ni Anshil hindi dahil sa safety... baka nandyan iyang mga iyan para makatiyak na hindi ka makatakas sa kasal ninyo," namilog ang mata ng sumilip ulit ako. s**t! Ang daming bantay. Naniniguro ang loko. Sabagay, 100 million ba naman ang ibinigay niya sa akin