Chapter Sixty-three "I love you, Anshil," ulit ko habang direktang nakatitig sa asawang napasapo sa dibdib niya dahil sa narinig na sinabi ko. "M-ilanie," nautal na ani ng lalaki. Nakisama rin ang mga kasama namin sa table dahil talagang nanahimik sila. "Anong sinabi mo?" tanong ng asawa ko na talagang iniharap na ang upuan sa akin. "I love you, Shil," ngumiti pa ako rito. Nag-uumapaw ang puso ko sa pagmamahal at kailangan ko na iyong sabihin sa lalaki. Deserve niyang malaman na ang babaeng mahal niya ay mahal na rin siya. "Oh God," ani ng lalaki na bigla na lang lumuhod sa harap ko. May dinukot sa bulsa at nang ipakita sa akin ay isang singsing iyon. "Mahal mo ako, Milanie?" agad akong tumango rito. Mahal ko siya at siguradong-sigurado ako roon. "Mahal kita, Anshil. Pero para saan a