Napaawang ng labi si Helena nang makita ang mga kaibigan at kasamahan ni Axel na nagkakasiyahan. Lagpas yata ng bente ang bisita nila. Ngayong lang niya napagtanto nang makalapit sila. Marami ring nakahaing pagkain sa mga mesa na naroon. Baka bitbit ng mga ito ang pagkain dahil wala naman siyang napansin sa kusina na tao kanina. "A-Axel," "Yes, hon?" "A-ang d-dami naman nila." Sabay tingin siya sa mga bisita. Huminto ito dahil huminto din siya. "Mga supportive kasi. Konti lang 'yan, hon. Wala pa ang pamilya ko d'yan kung tutuusin. Mababait naman ang mga iyan, magugulo lang minsan," "Ganiyan pala kadami ang mga kaibigan mo." "Opo. Mapagmahal kasi 'tong mapapangasawa mo kaya ganoon." Bahagya nitong pinisil ang ilong niya. Hinarap niya ito. "Mapagmahal ka pala. Kaya pala ang dami