“Are you ok, wife?” Halos mapatalon ako bigla sa pagsulpot ni Theseus. Pumulupot ang braso nya sa aking bewang at malambing na tinukod ang ulo sa balikat habang nakasilip saakin. “Oo naman. Bakit mo natanong?” labas sa ilong na tanong ko sakanya. Binitawan ko ang sandok atsaka hinarap sya. Ngayon ay nakakulong na ako sa kanya. Kumunot ang kanyang nuo. Gwapo talaga ang asawa ko. Sa kabila ng masungit nyang mukha nya ay maraming nag kakagusto sakanya. Katulad ngayong kasal na kami, may napapalingon pa rin sakanya. “Hmm?” kulit pa nya. Ngumiti ako atsaka umiling “Iniisip ko lang si Python. May balak ka bang idala sya sa ibang bansa para roon mag aral?” Tumayo sya ng tuwid at inayos ang necktie. Napatingin ako roon, lihim ako napangiti. Until now hindi pa rin ma