Chapter 29 3rd Person's POV; Mahabang katahimikan ang nangyari sa pagitan ng tatlo hanggang sa tumawa si Callius bago iangat ang tingin nito kina Cadmus at Astrid "Tama na ang drama, siguro nga Astrid hindi tayo para sa isa't isa." Ani ni binatang si Callius na kinatigil ng dalaga matapos humarang ni Cadmus at itago sa likuran niya. "Pero mas lalong hindi ako papayag na mapapunta ka kay Cadmus at maging masaya." Dagdag ng binata na parang nawawala na sa sarili. "Callius!" Sigaw ni Astrid ng makita niya ang remote na hawak ni Callius. "Once na pindutin ko ito pare pareho tayong sasabog, magsama sama tayo sa impyerno." Nagdidilim ang anyong sambit ni Callius na kinaiyak ni Astrid. "Callius tigilan mo na ito! Nagmamakaawa ako." Iyak ng dalaga na agad magpabago sa expression ng binata.