Chapter 34 3rd Person's POV; *ting plaaang!* Napangiwi si Cross ng marinig ang malakas na tunog na piano ng hampasin yun ni Arkhon at tumayo. "Arkhon! Kung ayaw mo makicooperate sabihin mo kina papa." Naiinis na bulyaw ni Cross bago tumayo at naiinis ba nilingon si Arkhon na nakayuko at nanatiling nakatingin sa piano na nasa harapan. "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na kasi." Bored na sabat ni Haru matapos humilig sa pader na nasa likuran at lingunin si Arkhon na masamang nakatingin sa batang si Haru. "Mag break muna tayo masama ang pakiramdam ko." Walang emosyong sagot ni Arkhon bago naiinis na lumabas ng kwarto. -- *cough*cough* Sunod sunod ang pag ubo ng batang si Arkhon ng makalabas siya sa pinakagarden ng penthouse at makarating sa parang gubat. Mula sa kinatatayuan